Janelle, gustong lumipat ng safe house


Ang envelope na ito na naglalaman ng petition for review para iapela ang pagkakasangkot ni Ramona Revilla sa kaso ang natanggap ni Janelle Manahan sa kanyang safe house. Mula ito sa abugado ni Ramona Revilla.

Ayon kay Janelle, nagtaka raw siya kung bakit alam ng mga ito ang kanyang address at bakit sa kanya ipinadala ang sulat.

Aniya, "Natakot ako at nagulat. I think it’s clear naman na dapat sa attorney pinapadala, hindi sa akin."

Pero giit naman ng abugado ni Ramona Revilla, wala silang intensyong i-harass si Janelle.

Sabi ni Atty. Jeffrey Gepte, "Under the Department Circular 70 which guides the filing of a petition for review, you have to copy furnish the petition to the complainant. From the records of the Prosecutor’s Office, andu'n ho ang address ni Janelle sa mga records mismo."

Sa hearing kanina, hiniling ng abugado ni Janelle na si Atty. Restituto Mendoza sa korte na sa address na lang nila sa law office ipadala ang anumang pleadings o mosyon sa kaso.

Pinagbigyan naman ito ni Judge Madrona at susundin daw ito ng abugado ni Ramona.

Umaasa ngayon si Janelle na hindi na mauulit ang insidente, pero plano pa rin nila na lumipat siya ng safe house.

Ayon kay Atty. Argee Guevarra, "Ito ay isang malinaw na intimidasyon o harassment laban kay Ms. Janelle Manahan.”

Sa March 1 ay nakatakda naman ang preliminary trial para sa criminal na case na murder at frustrated murder na isinampa laban sa mga akusado. Sol Aragones, Patrol ng Pilipino

02/03/2012 11:22 PMBookmark and Share

2 comments

He is the stupid lawyer i

He is the stupid lawyer i ever heared.
what is he thinking this person is a victim of crime try to hide for her safety.


▼ The 2nd video scandal posted at▼

http://vvvv showbiz ph/video-scandal