Customs clerk na naka-Porsche, hindi na mahanap
Inamin ng Customs na hindi na nila ma-kontak ang clerk nilang si Paulino Elevado.
Si Elevado ang itinuturong nambugbog at namaril sa dalawang estudyante noong Enero 21 dahil sa away-trapiko.
Hinabol ni Elevado gamit ang sports car na Porsche ang mga biktima na sakay naman ng isang Innova.
Personal na tinawagan ni Commissioner Ruffy Biazon si Elevado, pero hindi na ito sumasagot sa telepono mula nang mag-absent nitong Lunes.
“Sa Tuesday kung wala pa siya talaga, we will initiate proceedings declaring him absent without leave,” sabi ni Biazon.
"Ngayon ang balak ko papuntahan na sa bahay," sabi naman ni Atty. Rogel Gatchalian, district collector ng Port of Manila.
Ayon sa mga kasamahan sa Customs, itinanggi pa noong una ni Elevado ang insidente, pero umamin din.
"Parang ang gusto palabasin ay may baril din itong mga bata,” sabi ni Gatchalian.
Nasa P10,000 ang sahod ni Elevado bilang clerk at taga-kolekta ng mga clearance sa mga sasakyan.
Sa kanyang 2004 statement of assets, liabilities and net worth o SALN, nakabili siya ng isang Volvo na 1995 model.
Sa SALN naman niya noong isang taon, umabot sa P1.1 million ang kanyang yaman.
Idineklara din niya ang negosyong buy-and-sell ng sasakyan.
“Malinis ang SALN niya. Ibig sabihin, konti ang entry kaya mas kaduda-duda. Pumapasok siya na hindi naman dala ‘yung Porsche, so hindi nahahalata ng iba,” sabi ni Biazon.
Dahil hindi nangyari ang krimen sa oras ng trabaho, panay administratibong kaso lang ang puwedeng ikaso ng ahensya kay Elevado.
Ayon sa Customs, kung hindi bumalik sa trabaho si Elevado sa loob ng 30 araw, posible na siyang ma-dismiss. Niko Baua, Patrol ng Pilipino
02/03/2012 9:33 PM








ha ha ha ha koward pala,
ha ha ha ha koward pala, patapangx2 lang dahil may pusil, ngayon na bisto na takot pala, cge na your days is over. you can run but you cannot hide. lol.
Guilty!
Si Elevado is guilty as hell, hulihin at ikulong NOW NA!
matapang....
hehehe.... matapang lang c elevado mag marunong mag drive ng porsche, ala naman pala balls... nagpasikat lang.... bida kuno, nawalan pa ng work...
D-U-W-A-G!
D-U-W-A-G! Duwag! Duwag! Duwag!
▼The complete list with the CCTV footage and his picture at▼
bakit hindi natatangal yang tao na yan sa customs?
anak ng #$@#.
isang katutak ang kaso hindi natatangal.
customs clerk lang naka brand new high end porsche!!!
eto and mga kaso ng demonyong eto, malakas sa loob
palagay ko tatakutin lang yung complainant at babayaran
at ligtas nanaman etongf hayup na to
at hindi rin matatanggal sa pwesto
kung hindi lang na media lusot eto
but since na media
laglagan na
kunwari hindi alam at the usual
iimbestigahan
mga ungas ba sila e patong patong na kaso na nga
at kalat naman sa customs na naka porsche yan
How many customs employee has the name Paulino Elevado?
It looks like this man has brushed with the law before...
http://www.gov.ph/2011/10/13/importer-sues-customs-employee-for-bribery/
http://www.tribuneonline.org/metro/20110223met4.html
http://www.tribuneonline.org/metro/20110523met7.html
The complete list with the CCTV footage and his picture at:
http://vvvvv police com ph/corrupt-Bureau-of-Customs
lagyan nyo ng tuldok website yan
this is bullshit. president noynoy palakasan din with biazon sa
eto and mga kaso ng demonyong eto, malakas sa loob
palagay ko tatakutin lang yung complainant at babayaran
at ligtas nanaman etongf hayup na to
at hindi rin matatanggal sa pwesto
kung hindi lang na media eto lusot eto
but since na media
laglagan na
kunwari hindi alam at the usual
iimbestigahan
mga ungas ba sila e patong patong na kaso na nga
at kalat naman sa customs na naka porsche yan