Chinese na nanagasa ng GF namatay
Dito sa Punerarya Cruz sa Maynila muling nagtagpo ang magkasintahan na si Zao Chun Lan at Gong Shu Yang.
Madaling araw ng January 14 nang makunan ng CCTV ang pagsagasa, pagsaksak at muling pagsagasa ni Gong Shu Yang sa kanyang nobya na si Zao Chun Lan.
Nahuli sa isang condominium unit sa Taft Avenue sa Maynila si Gong Shu Yang. Paliwanag ng suspek, inunahan lang daw niya ang nobya sa tangkang pagpatay sa kanya dahil sa nadispalkong P1.3 million.
Dadalhin na sana ng mga pulis ang suspek sa korte para sa inquest proceedings nang biglang mangyari ang 'di nila inasahan.
“Pagdating sa may Ayala, paghinto ng mobile namin, iyong mga documents ko, iyong iba nalaglag. Yumuko ako para aabutin ko. Maya-maya, nagulat ako nang i-grab niya ang baril. Biglang pinutok na niya,” sabi ni SPO1 Charles Duran, ang pulis na may hawak ng kaso.
Naisugod pa ang suspek sa ospital pero dead on arrival na.
Case closed na sana para sa Manila Police District (MPD) pero pinaiimbestigahan pa rin ng Philippine National Police ang insidente.
Kung sakaling mapatunayang may nilabag na operational procedure, sasampahan ng kasong administratibo ang mga police escort.
Nanindigan naman ang hepe ng homicide division ng MPD na walang naging pagkukulang ang mga escort.
Tama lang din daw na sa harap nila pinosasan si Gong Shu Yang at hindi sa likod.
“Walang negligence on the part of our escort. Humane na iyon, ang ginawa namin sa kanyang naiposas namin siya sa harapan,” sabi ni Senior Inspector Joey de Ocampo, hepe ng MPD Homicide Division.
Gayunpaman, pinag-paraffin test ang mga police escort ni Gong Shu Yang.
Sa ngayon, wala pa rin nagke-claim sa mga bangkay ng magkasintahan na parehong turista mula sa China. Jeff Canoy, Patrol ng Pilipino
02/06/2012 10:37 PM








▼Sinungaling at ang Tanga ng Pulis, ikulong dapat eto▼
Parang Sinungaling at ang tanga naman nitong pulis na eto
dapat ikulong at imbestigahan eto.
Baka related sa drugs etong kasong eto.
1) Anak ng tokwa,
naka handcuff papanong aagawin ang baril.
2) Ang laking tanga, hahayaan ba nya na ang baril
kaya dukutin ng suspek ng ganun ganun nalang
gayung alam naman nya
na capable pumatay etong taong eto.
3)Gagong pulis, dapat ang baril sa opposite side kund saan uupo yung kriminal.
kapag ang baril ay nasa kanan mo,dapat ang suspek sa kaliwa uupo. Tanga at ulol at dapat tangalin sa serbisyo kahit walang kasalanan.
tangalin because of stupidity.
4) ABSCBN at Media, hindi man lang kinuwestyon
kung papano mangyayari ang ganon napakalabong kwento.
5) Possible na Mukhang may nag abutang pera dito at pinapatay .
6) Lahat ng pulis na kunwari aagawan daw ng baril
sa mobil or sasakyan ng pulis ng
isa ng arestadong suspek lalo na kapag nakaposas ay dapat
ikulong agad at kasuhan
(mandatory posasan lalo na yung nakapatay).
7) Tanga, gago, walang utak at ampao ang ulo ng mga taong
maniniwala sa ganitong palusot.
Sobrang lumang tugtugin na yan,
hangang ngayon tinatanggap pa din ng mga walang utak.
Baka magkabistuhan sa mga illegal na activities kaya niyari agad.
Buong kwento malabo talaga mangyari pati video at picture,
isipin nyo papanong mangyayari ang ganitong kalabong kwento.
Dapat talaga banatan ng ABSCBN at Media eto,
ano ganun ganun nalang,
maraming illegal na gawain etong taong eto,
baka pati kidnaping at droga.
Ayaw masangkot ng mga matataas na tao,
bago makapagsalita,
tepok na parang lamok.
Salvage ang dating nito.
wala talagang kwenta at puro mga inutil ang mga awtoridad dito sa pinas.
Ni hindi man lang nagduda na salvage eto.
Dapat sibakin yung pulis pati yung direct boss or commander nya.
Related sa Sindikato ang kaso na to.
Drugs, Kidnapping and other illegal activities...
http://vwv police com ph/chinese-sinalvage
namatay kaya o PINATAY???
Paano makapang-agaw ng baril ,e, NAKAPOSAS po iyan??? Hindi po yata ganoon KADALI makapang-agaw ng baril ang isang nakaposas, hablutin, itutok, at iputok sa sarili, ng hindi makakapag-REACT agad ang isang pulis na katabi lang. Duda ako meron nagbayad or nag-utos na patayin iyan, maaring kamag-anak or SINDAKO para di na ma ibulgar ang mga opisyal na kasabwat nito. Ok lang mamatay ang "LINTIK" na iyan, pero ang patayin 'yan para maitago ang mga kasabwat nito(kung totoo man), hindi po ito dapat na ipagpawalang bahala. Isang kriminal pinatay ng kriminal para itago ang kriminalidad na gawain, NAKAKATAKOT ito. DAPAT PO SANANG IMBESTIGAHAN ito ng MAAYOS, para mabura or maalis na rin ng dahan-dahan ang MASAMANG IMAHE ng mga pulis sa mata ng mamamayan, at para matakot at mabawasan na rin ang mga “SKALAWAG” sa ating mga kapulisan.
▼Sinungaling at ang Tanga ng Pulis, ikulong dapat eto▼
Parang Sinungaling at ang tanga naman nitong pulis na eto
dapat ikulong at imbestigahan eto.
Baka related sa drugs etong kasong eto.
1) Anak ng tokwa,
naka handcuff papanong aagawin ang baril.
2) Ang laking tanga, hahayaan ba nya na ang baril
kaya dukutin ng suspek ng ganun ganun nalang
gayung alam naman nya
na capable pumatay etong taong eto.
3) ABSCBN at Media, hindi man lang kinuwestyon
kung papano mangyayari ang ganon napakalabong kwento.
4) Possible na Mukhang may nag abutang pera dito at pinapatay .
5) Lahat ng pulis na kunwari aagawan daw ng baril
sa mobil or sasakyan ng pulis ng
isa ng arestadong suspek lalo na kapag nakaposas ay dapat
ikulong agad at kasuhan
(mandatory posasan lalo na yung nakapatay).
6) Tanga, gago, walang utak at ampao ang ulo ng mga taong
maniniwala sa ganitong palusot.
Sobrang lumang tugtugin na yan,
hangang ngayon tinatanggap pa din ng mga walang utak.
Baka magkabistuhan sa mga illegal na activities kaya niyari agad.
Buong kwento malabo talaga mangyari pati video at picture,
isipin nyo papanong mangyayari ang ganitong kalabong kwento.
Dapat talaga banatan ng ABSCBN at Media eto,
ano ganun ganun nalang,
maraming illegal na gawain etong taong eto,
baka pati kidnaping at droga.
Ayaw masangkot ng mga matataas na tao,
bago makapagsalita,
tepok na parang lamok.
Salvage ang dating nito.
wala talagang kwenta at puro mga inutil ang mga awtoridad dito sa pinas.
Ni hindi man lang nagduda na salvage eto.
Dapat sibakin yung pulis pati yung direct boss or commander nya.
Related sa Sindikato ang kaso na to.
Drugs, Kidnapping and other illegal activities...
http://vwv police com ph/chinese-salvage