Gun permit ng de-Porsche na taga-Customs, kinansela
Pagiging messenger ang trabaho ngayon ng Customs clerk na si Paulino Elevado, habang iniimbestigahan sa ‘di maipaliwanag na sports car na kanyang minamaneho.
Pero ‘di pa tapos ang kanyang problema dahil sa pamamaril sa estudyanteng nakaalitan nito sa trapiko.
Sa isang liham, hiniling ni Commissioner Ruffy Biazon na ipawalang-bisa ang permit to carry ni Elevado.
Ito'y kasabay din ng apela ng Pasay police na aksyunan si Elevado pati ang kasama nitong si Florencio Bato.
Sa record ng PNP, may isang kalibre .40 baril sa pangalan ni Elevado, habang mayroon namang caliber .45 si Bato.
Kapwa sila may permit to carry.
At dahil sa insidente, kinansela ni PNP Chief Nicanor Bartolome ang lisensya at permit to carry ng dalawa.
“Pareho na silang walang karapatang humawak ng baril effective February 1,” sabi ni Bartolome.
Sapat aniya ang reklamo ng biktima na pinaputukan sila ng suspek kahit ‘di pa sila tinamaan.
Ito ang Innova na pinaputukan ng sakay ng Porsche. Lima ang tama nito, kabilang itong dalawang ito.
Ayon sa pulis, posibleng sa caliber .45 galing ang bala, baril na nakarehistro kay Florencio Bato.
Ayon sa Pasay police, ang mga basyong nakita, puro bala ng .45.
Sa reserbang gulong ng Innova, nakita pa ang slug ng isang kalibre .45.
At ayon sa mga guwardiya ng Marriott Hotel, kapwa may hawak na baril sina Elevado at Bato nang mangyari ang insidente.
Pero tanging ang caliber .40 ang isinuko ng mga suspek at hindi ang pinaputok na caliber .45.
“Lumalabas na maaaring naitapon ito habang sila ay nagkakaroon ng habulan. Noong hinanap ng pulis, wala na silang nakita doon,” sabi ni Bartolome.
Pinayuhan ni Bartolome si Bato na isuko na ang nawawalang baril kung ayaw nitong lumaki ang problema nito. Anthony Taberna, Patrol ng Pilipino
02/09/2012 9:55 PM








Suspended lang lisensya-trabaho but walang kulong, bullshit !!
The other day ABSCBN reported isang 79 yr old na lolo ,
nagnakaw daw ng kendi suspetsa palang kinulong
Etong hayup na eto,
suspended lang sa trabaho pati license sa baril nya
But hindi kulong ni hindi finger print at wala mugshot
Mga pulis talaga dito.....
Read article and you will be furious fast
Http://vvvvv 3Dpaparazzi com/customs-evelado