Water in Angat Dam feared to reach critical level by April
Posibleng umabot na sa critical level ang tubig sa Angat Dam sa pagpasok pa lang ng Abril! Base kasi sa monitoring ng PAGASA, mas bumilis ang pagbaba ng water level dahil sa tumitinding init ng panahon. Kapag umabot sa critical level ang tubig sa Angat Dam, unang masasapol nito ang irigasyon sa mga pananim, kasunod ang supply ng tubig sa ating mga bahay. Mula sa Quezon City, nagpa-Patrol, Zen Hernandez. TV Patrol World, Lunes, Pebrero 22, 2010
02/22/2010 11:25 PM



