Lasing na lalaki, nakuryente sa poste

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Nakunan ni Bayan Patroller Ace Angeles ang isang lalaking nakaupo sa isang poste ng kuryente sa Barangay Liyanes, Caloocan City.

Walang takot na tumayo at umupo ito sa tuktok ng poste.

Napag-alamang 18 anyos lamang ang lalaking ito na si Kevin Banagan.

Ayon sa barangay, umiiyak at lasing na umakyat si Banagan sa poste.

Agad raw tumawag ang barangay sa pulis upang humingi ng tulong pero walang rumesponde sa kanila.

Ilang minuto lamang ang nakalipas kaya't isang lalaki na ang umakyat at nakiusap kay Banagan na bumaba.

Binigyan ng lalaki ng tali si Banagan upang hindi mahulog ngunit nilagay lamang ito sa kanyang leeg.

Maya-maya pa inakyat na ng lalaki si Banagan at hinawakan, pilit na pinapababa.

Napakapit si Banagan si high tension wire ng poste.

Hanggang sa bumagsak si Banagan sa isang nakaparadang jeep.

Dumating naman agad ang ambulansya at isinugod sa East Avenue Medical Center.

Nasa burn unit ngayon ng ospital si Banagan at nagpapagaling.

Mga Kapamilya, makibahagi sa Bayan Mo iPatrol Mo.

Mag-email sa [email protected] o mag-post sa Bayan Mo, iPatrol Mo Facebook at sa Twitter account na @bayanmo.
 

03/29/2012 10:11 PM