Residente ng Silverio, positibo sa gunpowder test
Iniimbestigahan ng pulisya ang anggulong taga-Silverio Compound din ang posibleng nakabaril sa lalaking napatay sa madugong demolisyon sa Parañaque City. Ito'y matapos mag-positibo sa paraffin test ang isang naarestong residente at lumabas sa autopsy report na malapit lang sa biktima ang bumaril sa kanya. Nagpa-Patrol, Maan Macapagal. TV Patrol, Abril 25, 2012, Miyerkules
04/25/2012 10:42 PM









