EXCL: MWSS nakakita ng pagkukunan ng tubig bukod sa Angat

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Halos papalo na sa 15 milyon ang populasyon sa Metro Manila at lumalaki na rin ang pangangailangan sa tubig.

Bagama't kaya pa naman itong tugunan ngayon ng Angat Dam, kailangan na ring dagdagan ang magbibigay suplay nito at hindi na lamang aasa sa ulan.

Ayon kay MWSS Chair Gerry Esquivel, natukoy na nila ang posibleng pagmulan ng karagdagang tubig na dadaloy sa Angat Dam.

“Yung gagawin natin ay para sa karamihan ng tao, mayaman man o mahirap. Ito... will go beyond presidents, this will be for 20, 50 or 100 years,” sabi ni Esquivel.

Bukod sa suplay, karaniwan ding nagiging problema ang flash flood tuwing nagpapakawala ng tubig ang Angat Dam.

Dahil dito, isang bahagi ng bangin sa katabing bundok ng dam ang gagawing saluhan o spillway ng tubig mula sa Angat at Ipo Dam.

Ito diumano ang makakatulong sa karaniwan nang problema ng biglaang pagbaha tuwing may malakas na ulan o bagyo.

“Safety first, given na iyon. Ma-accommodate natin nga ‘yong updated probable maximum flag, bumibilis ang pagtaas ng rainfall so with two spillways, dalawa ang channel na mapagdadaluyan ng tubig,” sabi ni Esquivel.

May 44 na taon na kasi ang Angat at nakatuntong ito sa fault line kaya't panahon na diumanong ayusin na ito na nakaligtaan sa mahabang panahon. Henry Omaga-Diaz, Patrol ng Pilipino
 

06/14/2012 11:19 PM