Some flights diverted to Clark as problems still plague NAIA
Hindi na lumapag sa NAIA ang ilang eroplano ng local airlines dahil umano sa kakulangan ng navigational aid equipment ng paliparan. Mismong ang mga piloto ang nag-desisyon na i-divert ang flights para makaiwas sa aksidente. Sa halip, sa Diosdado Macapagal International Airport sa Pampanga sila pina-landing! Pero ayon sa NAIA, sobrang dami lang ng eroplano sa ere kaya hindi makalapag ang ibang eroplano. Mula sa NAIA, nagpa-Patrol, Henry Omaga-Diaz. TV Patrol World, Martes, Hunyo 22, 2010







