VAT sa toll, kinontra sa Korte Suprema
Nagbanta na ang isang transport group na sasabayan nila ng sunud-sunod na protesta ang pagpapatupad ng 12 percent VAT sa toll sa Lunes. Kukwestyunin naman ng isang grupo ng mga commuter ang ligalidad ng pagpapataw ng VAT sa toll. Nagpa-Patrol, Zen Hernandez. TV Patrol, Miyerkules, Agosto 11, 2010
08/11/2010 11:00 PM








VAT SAKIT YAN PAG TUMAMA SA MAHIHIRAP
sa akin ok lang ang vat kahit na mabigat sa mga ordinaryong pilipino na kagaya ko, kung makakatulong naman sa ating bansa upang matulungan ang pangangailangan ng mga proyekto ng gobyerno na nagagamit naman ng maraming mahihirap, pero kung ang pera naman na nakokolekta sa vat eh kukurapin lang ng mga buwaya ng lipunan ala rin silbi yan vat nakakasama lang ng loob sa mga nagbabayad ng vat kaya di na ako magtataka kung maraming negosyante na nangdadaya kasi nga ninanakaw lang ng mga asawa,anak,kamaganak,kumpare,kaibigan,at mga tuta ng mga naging pinuno ng ating bobyerno.
Look Who is Talking
Hoy, Ralph Recto! Ikaw ang isa sa proponent ng eVAT kaya dapat alam mo yan!
Ang punto dito, nasa batas na dapat may tax yan! Hindi nga lang ipinatupad ni La Gloria dahil tantamount to political suicide yan. Ngayon na si P'Noy ang presidente at walang pakialam sa political survival nya, talagang ipapatupad yan para mai-deliver yung mga promises niya.
Mga tao, ganoon talaga. Kung gusto nyo maserbisyuhan kayo, magbayad kayo ng tax. Yung iba dyan, nagre reklamo eh nde naman nagbabayad. Yung iba, nagbabayad nga pero understated naman yung tax.
Dapat tanggalin ang pork
Dapat tanggalin ang pork barrel ng mga senador at mga congressmen, at yun ang ilagay sa dagdag-pondo. Hindi yung ipapasa sa mga commuters ang problema.
Okay lang ang VAT
Okay lang ang VAT no, dagdag pondo din yun sa gobyerno.
Sana lang i exempt or bababaan ang VAT sa public transport para di masyadong apektado mga commuters