Drayber ni Kris tiklo sa MMDA
Hinuli ng mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang drayber ng van ng actress-host na si Kris Aquinio dahil pumarada sa maling lugar sa harap mismo ng ABS-CBN compound.
Inireklamo ng isang sibilyan ang naka-double park na van sa Sgt. Esguerra Street, sa tapat mismo ng ABS-CBN compound sa Quezon City.
Sa pagresponde ng mga MMDA enforcers, nalamang pag-aari pala ang van ng kapatid ng Pangulo na si Kris Aquino.
Agad ipinaalam ng drayber na si Mario Villegas ang nangyari kay Kris na noon ay nagho-host ng “Pilipinas Win Na Win.”
Sinabihan siya ni Kris na sumunod at magpahuli.
Binigyan ng ticket ang drayer para sa obstruction at illegal parkin.
Hindi rin nakialam ang ilang tauhan ng Presidential Security Group na nakamasid lamang sa di kalayuan.
Sa noontime show binanggit ni Kris ang pagkahuli sa drayber at humingi siya ng paumanhin sa nangyari.
Hindi naman umalma ang Palasyo nang malamang nahuli ang drayber ng presidential sister.
"Let me tell the MMDA officials, all the officials concerned, walang kinikilingan ang pamahalaang ito. Kung sinuman ang nagkasala, tikitan po ninyo. Do not be afraid even if it's related to the President or related to any Cabinet secretaries or the Cabinet secretaries themselves,” ani presidential spokesman Edwin Lacierda.
Dagdag pa ni Lacierda, ang Pangulo at kanyang mga kamag-anak ang dapat maging ehemplo sa pagsunod sa batas gaya ng ginawa ni P.Noy nang hindi siya gumamit ng wang-wang. -- Anthony Taberna, Patrol ng Pilipino
08/13/2010 11:14 PM








Traffic Violation
Sa 'Tate', kapag nahuli ng parak ang isang driver 'coz of traffic violation at ito'y natikitan, magkakaro'n siya ng 'record' sa MVA (Motor Vehicle Adm.). Then 'coz mayro'n siyang 'record' sa MVA, his insurance premium may go up because he was found violating the law.
Lagot ngayon 'yung mga mahuhulian ng traffic violations. Magkakaro'n silang lahat ng record. Will this system be implemented in the Philippines?
good
Agad ipinaalam ng drayber na si Mario Villegas ang nangyari kay Kris na noon ay nagho-host ng “Pilipinas Win Na Win.” for what? Help! may suweldo ka bayaran mo ang fine and face the judge.
Sinabihan siya ni Kris na sumunod at magpahuli. but didn't say "you are fired".
I am sorry but this is a propaganda.
"Let me tell the MMDA officials, all the officials concerned, walang kinikilingan ang pamahalaang ito. Kung sinuman ang nagkasala, tikitan po ninyo. Do not be afraid even if it's related to the President or related to any Cabinet secretaries or the Cabinet secretaries themselves,” ani presidential spokesman Edwin Lacierda.
Sa noontime show binanggit ni Kris ang pagkahuli sa drayber at humingi siya ng paumanhin sa nangyari.
you don't have to be involved with this.
it's between the cop, the driver and the judge.
i hope this driver is not a military man. he! he!
Hindi rin nakialam ang ilang tauhan ng Presidential Security Group na nakamasid lamang sa di kalayuan.
what are they doing there?
Noy pinoyhin mo na ang buhay
sana magpatuloy yan........
tama yan paglumabag sa batas huli......sana magpatuloy ang maganda pagbabago na ginagawa ni bro. nonoy alam naman natin na maraming masasagasan kaya sana maging matatag ka bro. hindi lahat magiging masaya.....more power