Pagpapahirap ng pulis sa suspek, kuha sa cell phone video!
Sa isang tago na lugar takot na nakipagkita sa ABS-CBN News si Emil. May hawak siyang video at gusto niyang makita ito ng media.
“Unang beses ko lang po nakakita ng ganyan. Kahit sino naman magugulat,” ani Emil.
Ipinagkatiwala raw ito sa kanya ng kanyang kaibigan na ngayon ay hindi niya alam kung nasaan.
“Ayaw niya lang din na mangyari rin sa kanya iyan. Kasi may posibilidad din po daw,” dagdag pa ni Emil.
Laman ng video ang umano'y ginawang pag-torture sa isang pinaghihinalaang holdaper sa loob ng isang presinto sa Maynila.
Sa video, kita ang lalaking nakahubad, nakatali umano ang ari at sinasaktan.
“Pinahihirapan niya kasi sabi matinik na holdaper daw,” ani Emil.
Ang lalaki namang nakaputi, ayon kay Emil, ay ang hepe umano ng police community precinct sa Asuncion, Tondo, Maynila.
Kita rin sa video ang iba pang pulis habang pinanonood ang pag-torture.
“Pagkakaalam ko iyong pinakamataas iyong si Captain Binayug daw ho. Iyon, siya po iyong nagpapahirap. Siya daw po iyon,” pahayag ni Emil.
Hindi maintindihan ang mga tinig sa video pero malinaw ang isinisigaw ng itinuturong umano’y hepe.
Lalaking nagpapahirap: Dito bawal ang snatcher, ha. Bitaw, Bitaw.
Kitang kita ang hirap na nararamdaman ng umano’y suspek kapag hinihila ang tali na nakakabit sa maselang bahagi ng kanyang katawan.
Kahit namimilipit pa sa sakit ay sinasabayan pa ng hampas ng lubid sa mukha at katawan.
Minumura pa at pilit na pinatatanggal ng lalaki ang kamay ng suspek sa kanyang ari.
Lalaking nagpapahirap: Nakakaintindi ka ba? Bakit ayaw mong tanggalin? Bakit ayaw mong tanggalin?
Ungol lamang ang tanging naisasagot ng biktima.
Sa bawat puwersahang paghatak ng lubid, namimilipit ang biktima sa sobrang sakit.
Ayon kay Emil ito na raw ang nakagawiang pagtrato sa mga nahuhuling mga umano’y kriminal.
“Madalas daw ho nangyayari talaga iyan. Lalo na 'pag marami nang umiinit na holdaper. Talagang binibigyan nila ng pansin iyon. Hanggang maaari po wala pong nakakakita para po mayroon silang naa-accomplish,” ani Emil.
Nang tanungin namin si Emil kung nasaan na ang lalaking sinasaktan sa video, “Ang sabi, namatay na raw po dahil pinalabas nga din po... nanlaban po.”
Hindi masabi ni Emil kung kailan nangyari ang insidente at sino ang biktima. Ang tanging pagkakakilanlan ng lalaki ay ang mga tattoo sa kanyang likuran.
Ipinakita namin kina Manila Police District director Chief Superintendent Rodolfo Magtibay at National Capital Region Police Office chief Director Leocadio Santiago ang video.
Papaimbestigahan daw nila ito at ipapatawag ang mga sangkot.
“I’ve gone through physical interrogation before. I’ve conducted it, but not to that extent na medyo sadistic. May boundaries, may parameters iyan, eh,” ani Santiago.
Tiniyak naman ni Magtibay na mas mapapadali ang imbestigasyon kung lilitaw si Emil.
Pero para kay Emil hindi siya nakakasiguro sa kanyang kaligtasan kung siya ay lalabas.
Tanging intensyon lamang niya sa paglalabas ng video ay para matigil na ang hindi makatarungang gawaing ito ng mga pulis. -- Niko Baua, Patrol ng Pilipino
08/18/2010 12:54 AM




dfgerg
ONLINE STORE——————- http://www.etradinglife.com
Hello! The burning hot summer arrived, this is the demonstration stature good season,
the retreat winter sincere appearance, lets lithe, the individuality, the fashion,
the sex appeal, mature you start from here! Has a good news to tell everybody: Recently,
every bought full 200 US dollars in this company, then has the present to see off,
Vietnam which buys delivers are more, please do not miss this good opportunity!!!
welcome to :
we accept PAYPAL/credit card payment and all the products are the FREE shipping .
Air jordan(1-24)shoes $33
UGG BOOT $50
Nike shox(R4,NZ,OZ,TL1,TL2,TL3) $33
Handbags(Coach lv fendi d&g) $33
Tshirts (Polo ,ed hardy,lacoste) $16
Jean(True Religion,ed hardy,coogi) $30
Sunglasses(Oakey,coach,gucci,Armaini) $12
New era cap $9
,
Bikini (Ed hardy,polo) $18
http://www.etradinglife.com
FREE SHIPPING
to admin
i'm not sure if you've seen this video already, but please check it out and see if the people behind this another police brutality has been investigated.
http://www.youtube.com/watch?v=jmRyk4kDorg&feature=related
Thanks!
TORTURE AND KILL THEM
TORTURE AND KILL THEM ALL!!!
siguro ang nag video nito ay kasabwat sa holdaper..di na kasi sila maka pag pera sa mga holdaper kasi pinatay na ni sir...saludo ako sa police nato...
hindi man lang inisip ng mga tao na galit sa police kung ano ang feeling sa mga namatayan na hinoldap nila...mga studyante na kanilang biniktima...mga taong nag trabaho ng matino para lang may maibigay sa kanilang pamilya tapos holdapin nila...paano na ang mga anak na umasa sa pinatay ng mga holdaper na yan...
TORTURE AND KILL THEM ALL!!!!
mindanao143
ang kitid ng utak mo... abusayaffffff ka ata eh...
tama lang yan!!!!
para sa akin tama ginawa nyo sir...dapat lang pahirapan din ang mga hayop na holdaper at patayin para di pamarisan...mga tamad kasi at maraming bisyo..gusto easy money..
dapat maranasan din ng holdaper at sa pamilya ng holdaper kung ano ang feeling sa mga hinoldap nila at pinatay....ILL SALUTE ALL THE POLICE OFFICER WHO DID THIS!!!
ISA KAPA!!! MINDANAO143
palibhasa sanay kayo sa patayan jan....sa mindanao. pero tama ka naman... yung mga abusado dapat patayin nalang pero hindi o wag pahirapan... tulad ngayun abusado din yung pulis na yun na dapat kong patayin nya yung holdupper na yun sana binaril nalang.... tapus!!! pero sa ginawa nya ABUSADONG PULIS din yun. kaya ano kaya sa tingin mo gawin sa kanya... ganyan rin.. ? o mas maiibang pahirap para sa kanya ng matauhan yung gagong pulis na yun.... mindanao143 nasubukan mo na ba ng napagbintangan ka? nako!! nasa hindi mangyari ano???? ng sa oras na mapagbintangan ka ay gagawin sayo yan.... pwedi ko kaya sabihin na ""ILL SALUTE ALL THE POLICE OFFICER WHO DID THIS!!! kawawang bata ka mindanao143
its not ok!!!!!!
d na man yon dapat.he's just a suspect...grabeh na man kayo maka pag.comment..kung kayo kaya maging suspect...if u want to be tortured like that...
alvase
this is police brutality at its best!!!it's is horrible act,intolerable and inhuman...di ba dapat protector kayo ng mamamayan.bakit nyo ginagawa yan sa isang walang kalaban-labang nilalang.kung may sala sya eh di ikulong,litisin at kung guilty ikulong ng life.bakit kung anak kaya ng maimpluwensang tao yan,aber magagawa nyo ba yan.that police officer deserved to be axed from his post immediately...
dapat lang yan sa mga magnanakaw
Dapat talaga sa mga magnanakaw ay torturin at pagkatapos makunan ng impormasyon ay patayin na dahil salot na sa liponan, kawawa naman ang mga kababayan natin na pinagnanakawan nila.
kaya sa k Capitan Binayug na gumawa sa isang magnanakaw ay Sir ok yong ginawa mo sa magnanakaw. ang hindi lang ok ay yong mga taohan mo sa station nyo na mangmang talaga, dahil kinonan ng video ang gigawa mo.
dapat lang yan !!
sa batas ng pinas di tama ginawa ng pulis PERO para saken tama lang ginawa nya na i torture! Paano yung torture na inabot ng mga biktima nya/nila? Paano yung mga nanay at kapatid nyo na babae na na-holdup. na-snatch gamit, or worst na rape? Ako mismo na holdup sa Blumentritt, pag stop ng jeep may 2 lumapit sa harap ng jeep..Torture inabot ko dahil nakatutok balisong sa leeg ko habang yung isa nililimas gamit ko..natandaan ko mukha nun, one time napanood ko s TFC may napatay ng holaper, kamukha ! kaya nakaganti na ako !!!
Yang mga nakakataas ng pwesto sa gobyerno na nagmamalinis, tignan naten kung anong gagawin nila pag isa sa mga kamag-anak nila nabiktima ng holdup, snatch or rape? Tignan naten kung di nila ipa-utos na pahirapan sa loob ng kulungan yung nahuli nila.
Tama lang yan ..at least nabawasan na ng isa
Dapat nga style Saudi..pag nahuli magnanakaw,snatcher, holdaper putol kamay, pag nangrape putulin ari ! ng magtanda habang buhay at magsilbing warning sa iba.