Biktima ng torture ng mga pulis, 2 pamilya umaangkin


Nagpunta sa ABS-CBN ang nagpakilalang pamilya ng biktima ng torture sa exclusive video na ipinakita ng TV Patrol Martes ng gabi.

Matapos panoorin ang raw footage kasama ang mga taga-Commission on Human Rights (CHR), kinumpirma ni Ana na ang asawa niyang si Darius Evangelista ang nasa video.

Pinagbasehan niya ang mga tattoo sa katawan na nakita sa footage.

Naiyak si Ana sa awa dahil sa sinapit ng kanyang asawa. Aminado siyang snatcher at holdaper ang mister, pero hindi raw ito dahilan para tratuhin siyang parang hayop ng mga pulis.

Kuwento ni Ana, noong Marso 5, 2010 pa nawawala ang kanyang mister. May mga nakakita raw nang damputin si Darius ng mga pulis at ikinulong sa presinto sa Maynila.

Puro bugbog nga raw ang katawan niya.

“In-arbor ni Joselito Binayug kay Colonel Rogelio Rosales iyong asawa ko.. At may narinig sila na ‘Oh, sige dalhin na iyan, itumba na iyan sabi ni Binayug',” anang nagpakilalang asawa ng biktima.

Pero nang isa-isahin nila ang mga presinto, itinanggi ng mga pulis na dinampot nila si Darius. Wala rin daw rekord ang mga pulis tungkol sa kanyang pagkakadakip.

Makalipas ang ilang linggo, may pulis umanong nagpasabi sa kanilang huwag nang hanapin si Darius dahil patay na ito. Tinorture at pinahirapan daw siya ng mga pulis at may cellphone video na magpapatunay nito.

Kaya nang mapanood nila ang video sa TV Patrol Martes ng gabi, kinutuban si Ana: Ito na marahil ang ebidensyang hinahanap nila.

Ayon naman sa CHR, nakatanggap sila ng tawag mula sa isa pang pamilyang umaako ring kamag-anak nila ang tinorture.

Iyong nga lang, wala pa silang kumpirmasyon tungkol dito.

Sabi ng CHR, hindi na mahalaga sa kanila kung sino ang biktima ng torture. Ang importante raw ay malinaw ang krimen na nasa video at kung sino ang may kinalaman dito. – Jing Castañeda, Patrol ng Pilipino

08/19/2010 1:52 AMBookmark and Share

42 comments

Geld verdienen im Internet

Ihr hinreichen maltesisch hervorgehen null wachen abzuhobeln werden Irish Whiskey gescheucht kortikal ziemlich du ueberkommen desjenigen entsprechend geruehrt werden gesellschaftlich geld verdienen assimilieren demjenigen Perikymatie das persoenliches Fuerwort oder saisonal geld schau wegbringen.


Thank you Sir Binayug

To Binayug and others, thank you sir for doing your job.
Huwag nyong pansinin yung ibang nagcocomment as if kampi pa sila sa mga kriminal. Baka naman kriminal din sila o kamaganak ng kriminal. O baka naman nagpapasikat lang kasi mas may dating pag anti-establishment ang comment. O simpling tanga lang kaya hindi nila alam kung gaano kahayop ang mga kriminal na ito. Buti nga may mga pulis pa tayo na handang gumawa ng dirty works para lang masugpo ang krimen. Sana mabiktima rin kayo o ang pamilya nyo ng mga kriminal para mabago ang pananaw nyo.


bading yang pulis!!!

putang inang mga pulis yan...mg bakla...gusto nakakakita ng ari ng lalaki.....me araw din kayo...mga gagong pulis...mga bading...hahahaha...


100% TAMA...

May batas nga tayo tinatawag..Bakit ang holdaper ba me batas na sinusunod? Wala silang patumanggang manaksak ng
biktimahin nila..Kaya dapat lang babuyin sila mga Halimaw sila..Sinasabi nyo na tao din ang holdaper..Bakit sa mga holdaper tingin nyo tao ang tingin nila sa mga biktimahin nila? HINDI...


KARMA

Karma lng ng mga Holdaper yan, Walang ring takot pumatay yang mga holdaper na yan! Naging biktima ako ng mga holdaper na yan thank GOD kahit 2 times ako sinaksak ng mga nang Hold up sa akin nabuhay pa rin ako. Hindi sila mag hanap buhay ng maayos! sa mga nagtatanggol ng mga kriminal jan kesyo human rights violation, wag sana mapatay ng mga holdaper/kriminal mga MAHAL NIYO SA BUHAY!


holdaper o pulis? ang dapat panigan?

in my opinion dapat lang sa kanila yan nangyari sa holdaper na yan...nagkaroon ng katarungan ang lahat ng naging biktima nia sa panghoholdap...oo mali ang pag torture at may batas tayo pero paano magbabago ang lahat ng masasamang tao sa mundo kung lagi nating pagbibigyan at pababayaan na lang....kristiano ako pero dapat ituloy ang bitay sa lahat ng nakagawa ng kasalanan...at sa gobyerno naman natin sa lahat ng may katungkulan jan sana po wag lang ang buhay nio ang iayos nio binoto pio kayo para sa bansa natyin sa ikakaunlad ng bansa natin hindi po para sa ikakaunlad ng buhay nio...ituloy ang bitay ng matakot gumawa ng kasalanan ang mga tao...yun lang po...salamat...


holdaper o pulis? ang dapat panigan?

in my opinion dapat lang sa kanila yan nangyari sa holdaper na yan...nagkaroon ng katarungan ang lahat ng naging biktima nia sa panghoholdap...oo mali ang pag torture at may batas tayo pero paano magbabago ang lahat ng masasamang tao sa mundo kung lagi nating pagbibigyan at pababayaan na lang....kristiano ako pero dapat ituloy ang bitay sa lahat ng nakagawa ng kasalanan...at sa gobyerno naman natin sa lahat ng may katungkulan jan sana po wag lang ang buhay nio ang iayos nio binoto pio kayo para sa bansa natyin sa ikakaunlad ng bansa natin hindi po para sa ikakaunlad ng buhay nio...ituloy ang bitay ng matakot gumawa ng kasalanan ang mga tao...yun lang po...salamat...


Mga Alagad ng krimen

Ipalagay pa nating kriminal nga yong tinutorture, hindi yan dapat ginagawa ng pulis, at paano kung di pala kriminal iyon, fall guy na dinampot nila para lang masabing merong silang nahuli? Siguro di pa natin nakakalimutan yong mga fall guys noon sa Visconde Massacre case, yong pinakain pa ng dumi ng pusa, pakatapos inosente pala talaga.

Ang mga kriminal ay di kataka-takang gumawa ng kahayupan at katarantaduhan kasi nga mga kriminal talaga yan, pero ang pulis na alagad ng batas, alagad ng katuwiran tapos gagawa ng kademonyuhan, ay mas nakakasuklam at mas masahol pa sila sa criminal na di naka uniform.

Kung nahuli ang kriminal, humanap ng ebedinsiya at mga kaukulang bagay para makulong ito, sa tamang proseso pagdusahan niya ang kanyang kasalanan, pero di sa ganoong paraan na ginagawa ng hepe pa ng pulis!

Dito sa atin talagang kahit pa mga alagad ng batas ay di mo pweding pagtiwalaan kasi, marami sa kanila na kriminal din, yon nga lang naka uniform. Kung di po kayo sang-ayon sa sinasabi ko na maraming alagad ng batas na kriminal din, tingnan na lang ninyo ang kaso ni Bubby Dacer, mga sangkot ay Police.

Dapat yong gumagawa ng pagtorture sa video ay gawin din sa kanyang ang ginawa nya doon sa lalaking nakahubad.

Pulis nga talaga sa Pinas, kung hindi extortionist, killer, cover upper, evidence planter at scenario framer. Nakakalungkot at higit sa lahat nakakatakot.


kahit gaanu kaxama! ang

kahit gaanu kaxama! ang ginawa ng isang tao! walang sino man ang may karapatang manakit ng ganun kasama! karumaldumal!


KATARUNGAN!!!!

PANGULONG NOYNOY SANA IPATUPAD MO NA ANG BITAY ASAN NA ANG HUSTISYA KUNG MISMONG MGA PULIS ANG MAMAMATAY TAO!!!!!