More cases vs cop in torture video
More cases vs cop in torture video
08/19/2010 1:52 AM

Sunud-sunod nang lumutang ang iba pang kaso ng umano'y pang-aabuso ng Police Inspector na sangkot ngayon sa torture scandal sa isang presinto sa Tondo, Maynila! Iyan ay matapos na ekslusibong ipalabas ng ABS-CBN News kahapon ang nakakapangilabot na video ng pagmamalupit ng nasabing pulis sa hinihinalang holdaper.lumalabas na patong-patong na pala ang kaso at reklamo laban sa naturang pulis, kaya lumalawak na ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa isyu ng police brutality. Magba-Bandila si Ron Gagalac. Bandila, Miyerkules, Agosto 18, 2010


1 comment

Ganito ba ang pulis na ginagawaran ng awards?

No wonder na puro kapalpakan ang kapulisan natin. Isipin mo tadtad pala ng award itong pulis na to. Dapat malaman kung sinu-sino ang nasa panel na nagrekomenda ng mga awards sa pulis na to dahil clearly hindi nila ginawa ng tama ang trabaho nila. Isa pa itong commander quirante na ito, in complete control daw ung pulis nya. Eh ugok ka pala eh, may sira sa ulo ung pulis mo hindi mo pa alam. Dapat pati ikaw tanggalin sa pwesto mo dahil tutulog tulog ka. Eto ang problema sa mga pulis na nasa pwesto. Pakiramdam nila sila ang hari sa nasasakupan nila. Hoy hindi nyo alipin ang kahit na sino (kahit pa pinakamahirap na tao o pinakamasamang criminal) Binabayaran kyo ng pera ng taumbayan para ipatupad ang batas hindi para maging isa rin sa mga kriminal!

~~~ Had you been given a choice, would you have chosen to be born Filipino?...