2 estudyante nahuling nagtatalik sa kotse sa QC
Halos wala nang mukhang maipakita ang 2 estudyanteng ito matapos umano silang mahuling nagtatalik sa loob ng isang kotse sa Barangay Mariana, Quezon City kagabi.
Ayon sa pulisya, nagpapatrol sila nang makita nila ang kahina-hinalang sasakyan na nakaparada sa madilim na bahagi ng 7th Street.
"Kasi madalas diyan ang car-jacking, car-napping," ani ni PO3 Masiding Rinandang.
Laking gulat umano nila dahil hindi carnapper ang nakita nila, kundi magkasintahang walang saplot.
Kuwento ni Rinandang, "Nung ilawan namin, parehong naka-all-the-way, parehong nakahubad."
Imbes na sumama sa mga pulis, mabilis umanong tumakas ang dalawa.
Ilang minuto tumagal ang habulan, pero nasiraan ng gulong ang sasakyan sa may Aurora Boulevard at doon na sila nasukol ng mga pulis.
Sa presinto, aminado ang dalawa sa mga paratang.
Grave scandal ang isasampang kaso laban sa magkasintahan.
“'Yung kotse po ngayon, hindi na po extension ng home ‘yan e, so nasa public place sila,” paliwanag ni Rinandang.
Bukod pa riyan, kakasuhan din sila dahil sa pagsagi nila sa police mobile at pagtakas sa mga humahabol na pulis. Jeck Batallones, Patrol ng Pilipino
08/18/2011 11:38 PM








and so what kung nagsesex
and so what kung nagsesex sila. At least itinago. Mga pulis talaga, nagtatalik lang ang kaya nilang hulihin. marami namang snatcher, kidnapper, carnapper, shoplifter jan na pwedeng hulihin. Ang babaw nyo talaga.
NABITIN KASI E..
pambhira naman.. sana pinagbigyan muna nila sir n matapos bago sila hulihin db??? kya naisipan nilang tumakas dahil itutuloy sana nila kung makakalusot dahil NABITIN SILA!!!!
teka lang.. di kya CARNAP ang car nila? kaya sila tumakbo?? hahahahahaha...
Inggit lang kayo!
Balita ba ito? Inggit lang ang pulis at media dahil enjoy yung magsyota. Nagawa na halos lahat ng magsyota ito at karaniwan na lang ito pero naghuli parin ang pulis.
ISTUDYANTE
baka naubos na ang pera nila sa gasolina eh hindi na makatiis pa hayon kaya sa kotse na lang at wala ng pambayad sa motel.