Kolehiyala, 2 taon diumanong pinagpasasaan ng propesor
Isang menor de edad na kolehiyala, matalino, maganda at punung-puno ng pangarap. Ngunit sa kanyang pagkahulog sa bitag ng kanyang propesor, umabot sa dalawang taon bago siya nakapumiglas. Narito ang kuwento ni "Michelle" sa isa pang Failon Ngayon exclusive!
Nag-iisang anak na babae si Michelle. Bukod sa maganda, miyembro siya ng student council sa kanilang unibersidad at isa sa mga nangunguna sa kanilang klase.
Walang kamalay-malay ang kanyang mga magulang na mahigit dalawang taon na palang biktima si Michelle ng panggagahasa ng sarili niyang propesor.
“Sa dalawang taon na iyon ay dumating iyong punto na sinabi niya lahat, detalyado ikinuwento ni Michelle ang lahat nang ginawa sa kanya na sinabihan ko nang kahayupan, kawalanghiyaan at pang-aabuso. Gabi-gabi umiiyak kami,” anang ama ng biktima.
Naglabas na ng warrant of arrest ang Department of Justice laban kay Arnel Ocampo, ang English professor ng Holy Angel University para sa kasong 32 counts of rape.
Abangan ang buong kuwento sa Failon Ngayon, alas-6 ng gabi bukas, Sabado.
08/20/2010 10:31 PM








Rape for 2 Years???
How can one get raped and then goes home every single day FOR 2 YEARS? Is it just me or is this news funny as hell?
pls. find the legal difinition of rape before giving ...
please find the legal definition of rape before giving some ignorant comments.nakakahiya ka sa ating bansa.