SWAT ng MPD nagsanay bago ang bus assault
Tanghali pa lamang habang nakikipagnegosasyon sa hostage-taker, ilang ulit nang nagsanay sa gilid ng Quirino Grandstand ang tatlong unit ng assault team na binubuo ng Special Weapons and Tactics (SWAT) Team at Explosive Ordinance Division (EOD).
May pumunta sa likuran ng bus, sa tagiliran at sa may pintuan at harapan.
Kunwari’y mabilis na nabasag ng kanilang maso ang mga salamin.
Nakaporma agad ng firing position sa suspek ang mga shooter.
Wala pang dalawang minuto, tumba na ang hostage taker.
Pareho naman ang istilo ng pagpasok sa aktwal na assault kinagabihan.
Mayroon sa likuran, tagiliran, at harapan ng bus, pero nabago na ang diskarte nang hindi agad nabasag ang mga salamin.
Bigla ring nagpaputok sa harapan ang hostage taker.
Gamit ang maso, pinilit basagin ang pinto at bintana. Dito nagtagal ang operasyon.
Tinalian ang pintuan, pero napigtas ang tali nang hatakin na ito ng sasakyan.
Nagbato ng teargas sa likuran, pero ilang beses itong hindi nai-shoot sa butas.
Kaya't sinubukan na rin sa tagiliran. Nang lumaki na ang usok ng tear gas, dito nagkapalitan ng putok.
Tumanggi nang magsalita sa camera ang mga taga-SWAT, pero umaming hindi nila inakalang fiberglass pala ang bintana't pinto kayat mahirap basagin.
Hindi nila inaasahang makikipagbarilan si Senior Inspector Rolando Mendoza.
Bagsak daw ang kanilang morale ngayon at idinadaing ang kakulangan sa gamit.
Hindi lahat may bulletproof vest. Ang iba, walang protective helmet.
Tila hindi rin akma ang ginamit na pambasag sa mga salamin ng bus.
Nagtapon ng tear gas sa loob, pero wala naman silang mga gas mask kaya’t hindi rin makapasok agad ang mga pulis sa loob ng bus.
Wala ring ilaw ang kanilang mga armas kaya't hindi makita kung sino ang hostage at hostage taker.
Umani tuloy ng sangkatutak na bagong acronym ang SWAT sa social networking sites.
Mula sa Special Weapons and Tactics, naging “Sana ‘Wag Akong Tamaan”, "Sorry Wala Ako Training", "Sugod-Wait-Atras-Tago", at "Sledgehammer Whacking Assault Team".
Masakit ang mga katagang ito para sa mga miyembro ng SWAT. Tunay na iba na raw ang sitwasyon kapag ikaw na ang binabaril ng malapitan.
Sa nangyaring trahedya, hiling nila hindi lamang high-tech na kagamitan, kung hindi mas mataas na antas ng kasanayan. – Ron Gagalac, Patrol ng Pilipino
08/25/2010 10:01 PM








rehearsal sa shooting
Ok naman ang tingin ko sa rehearsal nyo para sa movie, o hayaan nyo may kausap nako sa HongKong na producers na makakatie-up ko sa bisnes, puede na daw kayo konting praktis pa daw.
Kasi di nyo ginaya yung mga inutusan kong Airport salvage..este assault police nuong 2003 sa Airport tower, ang galing patay agad un kumpare kong scientist.
Payo ni Ate Glo
Kayo talaga naghahangad pa ng mga sophisticated weapons..binigyan ko na nga kayong pambili ng 'maso', gusto nyo ako pa rin sa flashlites,sinsil, martilyo, pako,atbp. Bakit mga taga Pampanga ba kyo? Sobra na di na ko masyado kumikita ngayon,buti pa nuon.
Wala Talagang Gamit
Tag magkakano ba ung gas mask? Magkakano bawat isa ung protective helmet? eh ung may ilaw na baril? Walo lang naman ung SWAT na sumugod. Gawin mo nang sampu. Wala tayong 10 gas mask, 10 de-ilaw na baril, 10 protective helmet para sa SWAT team natin? Parang hindi kapani-paniwala itong kapalpakan na to. Ganun ba nasaid ang pondo ng PNP? It's funny as hell. Naghagis ka ng tear gas tapos wala kang gas mask. Akala siguro ng mga pulis eh parang lamok ung hostage taker na pagkahagis nila ng tear gas, kusa ng lalabas.
wala talagang maasahang
wala talagang maasahang matino sa mga pulis sa atin.at alam din yan ng mga pulis natin.magapalaki ng tian at mangotong lang ang alam ng mga iyan.ng silay nanunumpa sa tungkulin nila bilang pulis sila ay nakangisi hindi nakangiti.at pag sila'y nalagay na sa sitwasyong tulad ng hostage taking na iyan,wala na.barabara na ang gingamit na istilo.sa training lang magaling.sa akwal wala na.nahihirapang kumilos dahil malalaki ang tian.syanga pala, dko naman nilalahat.kung may naiiba pa.
Real World vs Training
"Fight the way you trained” Getting shot is the scariest part of being a Peace Officer. Writing an accurate and honest report is the hardest and the most time consuming. If a Peace Officer is not mentally and physically committed of accepting and doing these, they need to step down and pick another career.
Being always prepared requires an individual’s integrity, honesty, loyalty, commitment and dedication. Traits required for all Peace Officers to do their sworn duties and responsibilities to serve and protect the public to gain their trust.
Not properly trained for such incidents, not having proper equipments and difficulties getting into a position of advantage are unacceptable excuses resulting another big blow to the law enforcement community. These problems if existed should had been identified and corrected. Making lame excuses for unable to do a task safely, decisively and efficiently jeopardizes everyone in the community and the whole operations.
Some Peace Officers who showed no integrity, dishonesty, abused of position, lack of commitment and dedication were actually the real issues of why many people had lost their faith in the law enforcement community. A big concern for the locals and to the general population world-wide.
Every Peace Officers has a choice. The choice they make has its prize. It is the prize all Peace Officers has to pay.
Stay Safe!
Hindi po sanay ang mga pulis
Hindi po sanay ang mga pulis natin sa ganitong sitwasyon,
very rare po kasi mangyari to dito sa atin, at pag meron man ganito, the only option is kill the hostage taker^_^
ill-equipped
Let us not stereotype, there are policemen who are true to their profession, though we have to admit, in the case of the execution of the assault during the hostage crisis is ridiculous. The SWAT is ill-equipped, it only reflects the corruption within the PNP organization, Why not send those officers to train in the US or Britain? Give them good assault weapons, vests, and uniform? the blue uniform (GOA) is not for operations like that! SWAT uses black fatigue to prevent awkwardness in moving. things could get wrong in a second, we need men who would risk their lives to save innocent civilians in circumstances like this one, we need men who would do their work with finesse and success, we definitely need SWAT who would do their job without excuses.
God Bless the Philippines from the PNP!
Ano ba yan! Isang option lang ba ang alam ng mga pulis?
Di pwede ang sagot na: "hindi nila inakalang fiberglass pala ang bintana't pinto kayat mahirap basagin."
Mas marami pa kayong alam na paraan kung paano mangotong kesa magligtas ng buhay.
This is too funny
look how those guys are holding their firearms !!!!
50% will be knocked out by their own handgun or rifle if they would have to use it.
By the time they are in position to " just look into the bus "" half of them ar dead already and so are all the passengers.
The trick is SPEED, SUPPRISE and SUCCESS.
Looking at this video, there is none of either the above.
what did u learn?
TSE!!! sa practice lang magaling!