Paskung-pasko na sa Dapitan, Maynila!


Kapapasok pa lamang ng September pero paskung-pasko na sa Dapitan Arcade sa Dapitan, Maynila.

Sari-saring Christmas decor na ang makikita doon na madalas hindi mo mabibili sa mga mall.

Medyo mainit nga lamang pero kung ikaw ay mahilig mag-shopping ng mga abubot at dekorasyon, siguradong ma-eengganyo ka rito.

Kung hanap mo ay palamuti para sa Christmas tree, ang mga star na gawa sa capiz, P250 para sa 10 piraso.

Cute na cute rin ang maliliit na snowman. Kakaiba naman ang dating ng mga pansabit na gawa rin  sa resin o capiz.

Ang iba’t ibang hugis ng Santa na gawa sa resin at fiber glass nagmumula sa P700 ang presyo.

Agaw-pansin ang Filipino Santa na naka-barong at salakot pa, gawa sa abaca!

Uso rin ang mga village houses.

Nakakatuwa naman ang mga musical display. Ang Christmas tree na may glitters P200 ang isa.

Marami ring ceramics, 3 for P200 ang malalaking Christmas plates; 3 for P100 naman ang mas maliit at P25 lamang ang isang mug.

Halagang P50 lamang ang mga stuffed decor at ang maliliit P10 ang isa.

Kaya naman dumayo na rito ang mga mamimiling galing pa sa Nueva Ecija!

“Christmas na Christmas, ever!” – Niña Corpuz, Patrol ng Pilipino

09/02/2010 12:09 AMBookmark and Share