Biktima sa torture video wala kina Orbigo o Evangelista


“That is not me, your honor.”

Ito ang sagot ni Senior Inspector Joselito Binayug matapos siyang tanungin sa Senado noong isang linggo kung siya ang lalaking nasa torture video.

Kinontra ito ni Emil, ang nagibigay ng video sa ABS-CBN na ayaw lumitaw dahil sa takot.

"Eh sir cya nman n mismo ung nsa video po ah. Hirap po ng sitwasyon ko pag aabot sa ganun," ani Emil sa text message na ipinadala niya sa ABS-CBN.

Sa ngayon,dalawang pamilya ang umaangkin sa lalaking tinorture sa presinto: ang pamilya ni Darius Evangelista na nawawala pa ang bangkay mula noong arestuhin umano ni Binayug nitong Marso at ang pamilya naman ni VIcente Orbigo na nakaengkwentro daw ni Binayug nitong Agosto.
 
Ayon kay Emil, bagaman ngayong taon kinunan ang video, hindi si Orbigo o Evangelista ang lalaking nasa video.

"Gud pm sir! Mukhang mahihirapan na ang PNP sa imbestigasyon, marami nang umaangking kamag-anak ng biktima. Pero wala sa kanila ang totoong kamag-anak," dagdag ni Emil sa isa pang text message.
 
Gayunman, sinabi rin niyang si Binayug at mga tauhan niya rin ang may kinalaman sa pagkamatay ng dalawang lalaki.

"Totoo mga claim nila sir, marami sila pini-freezer at pag wala naghabol kunyari napatay sa engkwentro, yun kay darius itinago talaga nila iyon kasi nabulilyaso sila ng kamag-anak, may nagtip kasi sa pinsan ni darius na pulis,” ani Emil.

Ayon sa National Police Commission (Napolcom), iniisa-isa pa nila ang dating mga kaso ni Binayug sa Asuncion Police Community Precinct.

"Aming pag-aaralan at iba-validate itong impormasyon na nakuha,” ani Atty. Owen de Luna, Napolcom legal officer.

Nakapagsampa na sila ng mga kaso laban kay Binayug base sa mga nabuhay na iba pang torture victim. – Niko Baua, Patrol ng Pilipino

09/02/2010 12:27 AMBookmark and Share

2 comments

Emil

Bakit hindi mo nalang lubus-lubusin yung isinisiwalat mo... oo kapani-panila naman na gawa talaga ng gagong pulis na yun... yung pang to-torture.... bakit hindi ka nalang lalabas at sabihin ang lahat... ng sa ganun matapos-tapos naman yung issue... baka mababaon lang ito sa limot at hayaan mo ba ma patuloy parin ang ganitong gawain ng mga gagong pulis na iyon????? hay nakO!!!! dapat hindi ka maging duwag Emil.... kong kakanta ka naman lang sana tuloy-tuloy mo na..... hintayin mo pa ba na ikaw yung gawing biktima???? Emil.. magpakalalaki ka... wag kang bakla... pero mabuti pa ata ang isang bakla sayo........... naku!! Emil lumabas kana.. magsalita.. tetistigo para matapos na ang kaso... putang Ina mo.... dal-dal ka lang ng daldal... patunayan mo....GAGO karin


Dapat Ikulong

Pag napatunayang torturer itong si binayug hindi lang dapat tanggalin sa pagkapulis ito kundi dpat ikulong for life with no parole dhl pag inalis mo lang ito sa pagkapulis eto ung mga tipong manghohostage din at mamamaril ng mga turista kagaya ni mendoza dhl ito ung mga pulis na may mga tama sa utak. ilan pa kayang mendoza at binayug ang mga binigyan natin ng chapa at baril?

~~~ Had you been given a choice, would you have chosen to be born Filipino?...