Bus bumangga sa Pajero; 16 sugatan
Wasak ang harapang bahagi ng Safeway Bus sa tapat mismo ng East Avenue Medical Center at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Basag na basag ang mga bintanang malapit sa puwesto ng driver.
May mga naiwan ding bakas ng dugo mula sa mga sugatang pasahero.
Kuwento ng mga nakakita, mabilis ang takbo ng bus na biyaheng Fairview nang salpukin nito ang papalabas na Pajero mula sa ospital.
Sa lakas ng pagsalpok, dumire-diretso ang bus sa kabilang lane saka tuluyang sumalpok sa planters box sa tapat ng gusali ng BSP.
Suwerte na lamang na walang kasalubong na mga sasakyan ang bus.
Ayon sa driver ng Pajero nagulat siya sa bilis ng bus pero nang mangyari ang aksidente, hindi na raw nila nakita ang driver na kinilalang si Ramon Jamisola.
Ilang saglit pa, dumating na rin sa lugar ang kinatawan ng Safeway Bus, kasama na rin nila ang nakapuslit na driver.
Hindi raw nila tatakbuhan ang mga biktima
Kasalukuyang ginagamot sa ospital ang mga sugatan.
Samantala posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property with multiple physical injuries ang driver ng bus.
Ito na ang pang-apat na aksidente sa bus kasunod ng pagkahulog sa Benguet ng isang bus, pagbangga ng isang bus sa sasakyan ng isang beauty queen at pagkahulog sa creek ng isang bus sa Quezon. – Henry Omaga Diaz, Patrol ng Pilipino
09/04/2010 11:44 PM




Reckless na SAFEWAY bus
Sana maimbistigahan ang lahat ng bus at drivers ng safeway bus company. 2 beses na ako montik maaksidente dahil sa mga bus nila. Sobra reckless, parang ahas sa daan, at sobra tulin pa. Nagbubukas pa sila ng ilaw at hazard lights habang napakatulin sa edsa at dyan sa east ave. na di naman dapat ginagamit pag araw at di emergency. Kung magpatakbo sila ng bus ay parang mga lulong sa droga, sana ma random drug test ang mga ito. Sana bantayan ng MMDA at PNP traffic ang mga bus sa edsa na sobra reckless kung magpatakbo na babanggain talaga ang mga katabing motorista pag di sila iniwasan. Sana aksyonan na ito ng mga kinauukulan.