Babae bumagsak galing 19th floor, patay


Tulala at hindi pa rin makapaniwala si Dominador Medina na ang kasintahan niyang si Lesly Casala ang natagpuang patay sa kalsada, Sabado ng madaling araw.

Halos hindi na makilala si Lesly sa pinsalang tinamo.

Hinala ng mga imbestigador, maaaring tumalon ito mula sa 19th floor, kung saan naroon ang kuwarto nila ni Medina.

Dakong 8 ng gabi nang magcheck-in si Lesly sa Sunnette Tower sa Makati.

Isang oras ang nakalipas, pinasunod niya si Medina sa condotel.

Ayon sa boyfriend, aligaga at hindi mapakali si Lesly.

“Tinatanong ko siya kung may problema ba? Do you wanna talk about it? Sabi niya, ‘No, no I don’t wanna talk,” ani Medina.

Bandang 3 ng madaling araw, nagising na lamang daw si Medina na wala na sa kuwarto ang kasintahan.

Bandang 4 ng madalig araw nang tawagan siya ng receptionist at nalaman niya ang masamang balita.

This is the second time she went out by herself. The last time kasi lumabas siya may kasamang mga friends, but this time gusto niyang mag-isa,” dagdag ni Medina.

Magdadalawang buwan pa lamang magkasintahan sina Dominador at Lesly.

Ayon kay Medina, may personal na problema raw ang girlfriend bago pa man sila naging magkasintahan.

Single working mom si Lesly.

Nasa kustodiya ng Makati Police District si Medina para isailalim sa imbestigasyon. – Jackie Manabat, Patrol ng Pilipino

09/04/2010 11:18 PMBookmark and Share