MMDA sumali na sa laban kontra dengue


Sa Diosdado Macapagal Elementary School  sa Tatalon, Quezon City nagtungo ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa defogging kontra dengue.

Mula sa mga silid-paaralan hanggang sa mga palikuran ng paaralan, ibinuga ang pamatay lamok.

Mainam daw na araw ng Linggo isagawa ang defogging para hindi maabala ang mga estudyante at hindi malanghap ang kemikal.

“Hind lang po magbubugaw ng mga lamok kundi makakapinsala rin po sa kanila. Hindi lamang po sa mga lamok kundi pati sa mga crawling insects,” ani Jun de Vera, health program officer ng MMDA.

Mahigit 4,800 ang populasyon ng paaralan. Ayon sa principal, wala pa namang nabiktima sa kanila ng dengue at nakatulong umano ang mga nakapaskel  na impormasyon ukol sa dengue sa buong paaralan.

“Malaking tulong po sa amin, sa mga mag-aaral dahil sa pamamagitan niyan (defogging) ay nawawala ang mga lamok,” ani Alaric Ramos, principal ng naturang paaralan.

Pinapurihan din ni Dr. Eric Tayag ng Department of Health ang programang ito ng MMDA.

Aniya mahalaga ang programa dahil mas mahaba ang inilalagi ng mga bata sa paaralan.

Gaya ni RB Arposiple, grade 1 pupil sa isa pang eskuwelahan sa Quezon City na nakaratay ngayon sa sa ospital.

Umaasa naman ang iba pang paaralan na magtutuluy-tuloy ang aksyon ng MMDA para makaiwas ang mga mag-aaral sa panganib ng dengue.

Mula Enero hanggang ikatlong linggo ng Agosto, umakyat sa 62,503 ang dengue cases sa bansa at 465 sa mga ito na ang namatay. – Abner Mercado, Patrol ng Pilipino

09/05/2010 11:09 PMBookmark and Share

1 comment

okay yan!

Magaling yan i de fog lahat ng Pilipinas para mawala ang mga malalaking lamok na sumisipsip sa dugo at buhay ng mag pinoy na mahihirap.

UNITED WE STAND, DIVIDED WE FALL........ SAMA SAMA NATING ITINDIG ANG MAHAL NA BAYANG PILIPINAS, IANGAT NATIN ANG BUHAY NG ATING MGA KAPATID NA NAGHIHIRAP. LAHAT TAYO AY ANAK NG DIYOS AT MAY KARAPATAN MABUHAY NG MAY DIGNIDAD AT SAPAT NA PANGKABUHAYAN.