Uka-ukang daan inireklamo ng Bayan Patroller


Sa mga litratong kuha ng Bayan Patroller na si Raquel Abad, makikita ang kaawa-awang kondisyon ng isang kalsadang sa boundary ng Taytay, Rizal at Pasig City!

Uka-uka na ang daan na madalas putikan kung hindi man binabaha tuwing matatapos bumuhos ang ulan!

Tuloy, hirap dumaan ang mga motoristang madalas pang mabalahaw ang mga sasakyan sa malalalim na uka sa kalsada!

Depensa ng Department of Public Works and Highways,    hindi nila naisasaayos ang daan dahil wala naman silang reklamong natatanggap tungkol dito.

Pero ngayon, pansamantala na raw inaspalto ang daan para sa kapakanan ng mga motorista!

09/07/2010 11:41 PMBookmark and Share