Bird flu walang epekto sa bentahan ng manok


Hindi naapektuhan ng bird flu scare ang bentahan ng manok sa ating merkado. Pero P5 per kilo ang itinaas nito noong isang linggo, at asahang patuloy na magtataas pa sa demand ng Christmas season.

Ang buong manok ay mabibili ngayon sa P130-135 per kilo, samantalang ang mga choiced cuts ng wings, thighs, drumsticks at breasts ay mabibili naman sa P130-135 per kilo.

Paborito ng marami lalong-lao na ng mga bata ang fried chicken o letsong manok. Pero alam niyo ba na kung hindi tama ang paglilinis at pagluluto nito, maaari itong maging sanhi ng food poisoning.

Dahil ito sa salmonella na makikita sa manok na kung hindi pag-iingatan ay maaring magdulot ng bacteria, na pinagmumulan ng food poisoning. Kaya para masigurong safe ang manok, tandaan ang CSCC:

C for COOL: Naiiwasan ang pagkalat ng bacteria kapag malamig ang temperatura, kaya maiging bumili ng manok na malamig o kaya ilagay ito sa cooler na may yelo para mapanatili ang lamig nito hanggang sa pag-uwi.

S for Segregate: Ihiwalay ang manok sa ibang mga pinamili para maiwasan ang paglipat ng bacteria sa ibang pagkain.

C for CLEAN: Para maiwasan ang pagkalat ng bacteria, linising mabuti ang manok at mga kitchen utensils na ginamit sa paghahanda nito.

C for COOK: Lutuing mabuti ang manok bago ihain para siguradong ligtas sa food poisoning. Winnie Cordero, Patrol ng Pilipino