Blast rips through posh Taguig shopping district


Niyanig ng isang malakas na pagsabog ang pangmayamang sentro ng komersyo sa Fort Bonifacio Global City sa Taguig kaninang tanghali! Sa gitna ng pagka-busy ng mga tao sa pamamasyal at Christmas shopping, sumabog at nagliyab ang isang kotse sa driveway ng Serendra 2 condominium!

Patay agad ang sakay nito matapos ma-trap sa loob ng kotse at tuluyang masunog. Agad namang tiniyak ng mga otoridad na walang anggulo ng pananakot o terorismo sa insidente.

Unang nakapagpadala ng mga litrato ng pagsabog sa Fort Bonifacio ang isang blogger na agad din niyang pi-nost sa internet. Ang mga litratong kuha ng blogger ang nagbigay daan para matunghayan ng publiko ang imahe ng pangyayari. Nagpa-Patrol, Zen Hernandez at Zyann Ambrosio. TV Patrol World, Martes, Disyembre 15, 2009
 

12/15/2009 11:39 PMBookmark and Share