DOT nag-aalala sa turismo sa Tawi-Tawi
Mananatili muna sa Tawi-Tawi si Ivan Sarenas, ang Pinoy photographer na kasamang dinukot ng dalawang foreigner sa isla noong Miyerkules.
Tumalon si Ivan mula sa pumpboat ng mga dumukot sa kanila.
Sinabi ni Ivan sa mga awtoridad, hindi siya aalis ng Tawi-Tawi habang wala pang balita sa kalagayan ng mga kasamang sina Ewold Horn, isang Dutch at ang Swisong si Lorenzo Vinziguerre.
Ayon sa Tawi-Tawi PNP, natunton na nila ang isang sinunog na pumpboat ng mga suspek.
Huling namataan ang grupo sa Languyan malapit sa Sulu.
Sa Davao City, isang misa ng pasasalamat ang inialay ng ina ni Ivan na si Bella Sarenas.
Nagkausap na ang mag-ina sa telepono.
"Sabi ko, ‘I love you, anak. Are you okay? Are you injured?’ Sabi niya, ‘No, no, I'm safe. I'm okay. We're on our way to the governor's office so huwag kayo mag-alala," sabi ng ina ni Ivan.
Nababahala naman ang Department of Tourism (DOT) sa magiging epekto ng kidnapping sa turismo.
“It is very unfortunate because Tawi-Tawi has already been picking up in terms of tourism. It’s going to be a setback but of course that should not stop up us from pursuing these plans,” sabi ni Mary June Bugante, regional director ng DOT Region 9.
Bukod sa dalawang Europeans, nasa kamay pa rin ng mga kidnapper ang Australyanong si Warren Rodwell. Jewel Reyes, Patrol ng Pilipino sa Zamboanga







