Tayasan mala-ghost town matapos ang lindol
Pasado alas-4 na ng hapon kahapon nang marating ng News team ang bayan ng Tayasan sa Negros Oriental, ang epicenter ng 6.9 magnitude na lindol.
Nagmistulang ghost town ang bayan. Halos wala nang mga tao. Tanging ang mga nagbubuhat ng bangkay na nasawi sa lindol ang aming naabutan.
Kinagabihan lalong dumilim ang daan dahil walang kuryente sa bayan.
Sa kalsada, naglalatag ng gamit ang mga nagsilikas at takot na mga residente.
Kahit binawi na ang tsunami alert, marami pa rin ang nangangamba. Ang iba, naiiyak habang nagdarasal. Sinubukan ng News team na pumasok sa Guihulngan na nasalanta rin ng lindol pero hindi na madaanan ang gumuhong tulay.
Uuwi na lang sana ng Dumaguete ang crew. ‘Yun nga lang, hindi na pinadaan dahil unti-unti na ring bumibigay ang isa pang tulay na niyanig ng lindol. Nagpasya ang grupo na magpalipas-oras muna sa Tayasan. Pero pasado alas-6, nataranta ang lahat sa aftershock.
Nagsidapaan ang mga tao sa gitna ng kalsada. Tatlong beses pang naramdaman ang pagyanig.
Itong tinatayuan ko ngayon ang bulubunduking parte sa bayan ng Tayasan sa Negros Oriental. Mula nang nilindol ang buong Negros Oriental kaninang tanghali, hindi bumaba ang mga residente dito sa bundok. Para sa kanila, ito ang pinakaligtas na lugar dito sa buong bayan, at dahil na rin sa takot sa banta ng tsunami.
Sa gilid ng bundok pansamantalang nanatili ang ilang residente.
"Takot talaga kami dahil sa tsunami. Dito na lang muna kami. Mas ligtas kasi kami dito,” sabi ng isang residente.
Kinaumagahan, kitang-kita ang pinsala ng lindol.
Pero pagkalipas ng ilang oras, muling niyanig ng aftershock ang bayan. Nagtakbuhan ang mga tao.
Nagpasya ang ilan na pansamantalang makisilong sa bundok. Reno Tallada, Patrol ng Pilipino, Tayasan, Negros Oriental
02/07/2012 9:17 PM

ASK THIS TO OUR GEOLOGIST!!!
1. BAKIT GUMAGALAW ANG LUPA?? ANONG DAHILAN?? SANA ALAM NATIN NA ANG LUPA AY WALANG BUHAY OR MECHANICAL IN NATURE TO MOVE BY ITS OWN. SO MEANING THERE'S SOMETHING THAT MAKES THEM MOVE. SO WHATS THAT THING??? PLEASE ASK.
2. BAKIT PO MAY APOY SA ILALIM NG LUPA? SAAN PO NANGGALING ANG APOY? DI BA MAY APOY PAG MAY OXYGEN LANG??? MERON BANG OXYGEN SA ILALIM NG LUPA????? BAKIT HANGGANG NGAYON DI NAMAMATAY ANG APOY SA ILALIM NG LUPA? SAAN SILA KUMUKUHA NG FUEL???
ALL THE ABOVE QUESTIONS CANNOT BE ANSWERED CERTAINLY BY ANY SCIENTIST AROUND THE WORLD!!!! MYSTERY IS THERE!!!
"Spare us Lord from the
"Spare us Lord from the threat of strong earthquake. We lift our safety unto your loving arms & shield us from destruction.
We Pray to those people who get trapped & give them wisdom, to the families that lost there love ones help them lord & incourage them to continue fight againts trials. Bless Vis/Min Region in the midts of this tragedy.
We ask this in the name of Jesus Christ, Our Lord and Savior. Amen!"
sana naman matulongan ng maayos ang mga Victima,,,Mga nasa Gobyerno Pls naman PO Ibigay nyung maayos ang tulong huwag nyong ibulsa..pls..maawa po kayo..