Guihulngan isolated dahil sa mga nasirang tulay at kalsada


Maya't maya ay bumabalik ang lindol at nararamdaman ang mga aftershocks kaya hanggang ngayon ay balisa ang mga kababayan nating Negrense na nabiktima ng lindol.

Maraming ayaw pang umuwi sa bahay dahil natatakot na baka raw magka-tsunami samantalang ang iba naman ay baka raw mabagsakan ng bahagi ng nagiba nilang bahay.

Pero ang higit na pinoproblema rito ay ang kawalan ng supply ng tubig, petrolyo at pagkain dahil hindi makapasok sa kanila ang supply sa pagkasira ng mga kalsada at tulay.

Isa na nga rito ang tulay na nasa likod ko rito sa bayan ng Jimalalud na siyang tawiran paroo't parito sa Negros Occidental at Oriental.

Mula Dumaguete, nakisabay kami sa helicopter ng militar sa biyahe papuntang Guihulngan.

Mula sa itaas, kita ang mga nasirang kalsada at tulay karugtong ng pila ng mga stranded na sasakyan.

Sa kabayanan kami dumiretso kung saan naghihintay ang maraming tao.

Sabi ng gobernador, ang lungsod na ito ang pinakamalala ang inabot na pinsala.

“Mayroon tayong listings [sa mga bayan]. Ia-adopt natin iyon, mga more than 30 na yata,” sabi ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Hindi pa maipagalaw ng alkalde ang mga natabunan ng landslide dahil malambot pa ang lupa.

Ang mas malaking problema nila ngayon ay ang mga taong ayaw magsiuwi sa takot na magkaroon ng tsunami.

“Pinapababa ko na sila but out of fear hindi pa sila bumababa. Ang advice ko lang sa kanila, huwag munang matulog inside your house,” sabi ni Guihulngan City Mayor Ernesto Reyes.

Marami ang ayaw pang umalis sa mga matataas na lugar.

Isang grupo ang pinuntahan ng mga lokal na opisyal pero matigas ang ulo nilang bumalik sa bahay.

“The DSWD will also be sending tents para naman hindi sila kawawa naman. Exposed sa araw at lamig especially kung uulan, mahirap na, lalong malala kung magkakasakit,” sabi ni Negros Oriental First District Rep. Jocelyn Limkaichong.

“Yung kapatid namin mayroon pang natabunan ng lupa,” sabi naman ng isang residente.

Hindi sila masisi dahil madalas ay bumabalik ang mga aftershocks.

Kaya nga mistulang ghost town na rin ang poblacion -- sarado ang mga tindahan, walang namimili.

Sa kalsada, hindi rin maikakaila ang malalaking bakas na iniwan ng lindol.

Ang dating mataas na bahagi ng kalsada, mababa na dahil sinira ito ng lindol.

Sinira rin ng lindol ang national highway ng Guihulngan kaya hindi rin mapasok ng tulong ang lugar na ito.

Sa ngayon ay hindi pa ginagalaw ang mga natabunan ng landslide sa pangambang guguho itong muli kapag nasabayan ng aftershock o kung matinag ang lupa.

Wala ring serbisyo ng kuryente ngayon at hindi masiguro kung kailan pa maibabalik.

02/07/2012 9:14 PMBookmark and Share

2 comments

"Spare us Lord from the

"Spare us Lord from the threat of strong earthquake. We lift our safety unto your loving arms & shield us from destruction.
We Pray to those people who get trapped & give them wisdom, to the families that lost there love ones help them lord & incourage them to continue fight againts trials. Bless Vis/Min Region in the midts of this tragedy.

We ask this in the name of Jesus Christ, Our Lord and Savior. Amen!"

sana naman matulongan ng maayos ang mga Victima,,,Mga nasa Gobyerno Pls naman PO Ibigay nyung maayos ang tulong huwag nyong ibulsa..pls..maawa po kayo..


"Spare us Lord from the

"Spare us Lord from the threat of strong earthquake. We lift our safety unto your loving arms & shield us from destruction.
We Pray to those people who get trapped & give them wisdom, to the families that lost there love ones help them lord & incourage them to continue fight againts trials. Bless Vis/Min Region in the midts of this tragedy.

We ask this in the name of Jesus Christ, Our Lord and Savior. Amen!"

sana naman matulongan ng maayos ang mga Victima,,,Mga nasa Gobyerno Pls naman PO Ibigay nyung maayos ang tulong huwag nyong ibulsa..pls..maawa po kayo..