Paano nangyari ang lindol sa Visayas?
Nagimbal ang bansa kahapon ng tanghali matapos yanigin ang Kabisayaan ng isang magnitude 6.9 na lindol.
Ito na ang pinakamalakas na lindol na tumama sa bansa sa huling anim na buwan.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol sa hilagang kanluran ng bayan ng Tayasan sa Negros Oriental.
Pinakamalakas na naramdaman ang lindol sa Dumaguete City na naitala sa intensity 7.
Pero naramdaman din ang pagyanig hanggang sa Bicol at Northern Mindanao.
Ayon sa Phivolcs, tectonic o paggalaw ng lupa ang dahilan ng lindol.
Umangat ang isang bahagi ng lupa.
Dahil sa nangyaring lindol, natuklasan ng Phivolcs ang bagong fault line na siyang source ng pagyanig kahapon.
Wala pang detalyadong impormasyon ang Phivolcs dito pero kung pagbabasehan ang lakas ng lindol kahapon, posibleng umabot ito sa haba na 80 kilometro.
Sa unti-unting paglitaw ng mga pinsalang dulot ng lindol, sa ngayon ay pinakagrabe ang sinapit ng magkakalapit na coastal towns ng Tayasan, Jimalalud, La Libertad at Guihulngan.
Karamihan sa mga naitalang namatay ay sa Guihulngan kung saan nagkaroon din ng landslide.
Patuloy ang rescue and relief efforts sa mga lugar na sinalanta ng lindol.
02/07/2012 9:21 PM








PLEASE ASK THIS!
SANA NAMAN MATANONG NYO ITO SA GEOLOGIST NATIN.
1. BAKIT GUMAGALAW ANG LUPA?? ANONG DAHILAN?? SANA ALAM NATIN NA ANG LUPA AY WALANG BUHAY OR MECHANICAL IN NATURE TO MOVE BY ITS OWN. SO MEANING THERE'S SOMETHING THAT MAKES THEM MOVE. SO WHATS THAT THING??? PLEASE ASK.
2. BAKIT PO MAY APOY SA ILALIM NG LUPA? SAAN PO NANGGALING ANG APOY? DI BA MAY APOY PAG MAY OXYGEN LANG??? MERON BANG OXYGEN SA ILALIM NG LUPA????? BAKIT HANGGANG NGAYON DI NAMAMATAY ANG APOY SA ILALIM NG LUPA? SAAN SILA KUMUKUNG NG FUEL???
ALL THE ABOVE QUESTIONS CANNOT BE ANSWERED CERTAINLY BY ANY SCIENTIST AROUND THE WORLD!!!! MYSTERY IS THERE!!!
"Spare us Lord from the
"Spare us Lord from the threat of strong earthquake. We lift our safety unto your loving arms & shield us from destruction.
We Pray to those people who get trapped & give them wisdom, to the families that lost there love ones help them lord & incourage them to continue fight againts trials. Bless Vis/Min Region in the midts of this tragedy.
We ask this in the name of Jesus Christ, Our Lord and Savior. Amen!"
sana naman matulongan ng maayos ang mga Victima,,,Mga nasa Gobyerno Pls naman PO Ibigay nyung maayos ang tulong huwag nyong ibulsa..pls..maawa po kayo..