Pamamaril sa DENR official ng Cagayan nakunan ng CCTV
Sa kuha ng CCTV sa labas ng opisina ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Sanchez Mira, Cagayan province, makikitang dumating ang forestry specialist na si Melania Dirain mag-a-alas-7:20 ng gabi noong Pebrero 7 nang biglang pumasok ang isang lalaking naka-jacket at sumilip sa opisina saka umalis din.
Makalipas lang ang limang minuto, bumalik ang lalaki na naka-hood na sa opisina.
Bumunot ito ng baril at walang kaabog-abog na pinaputukan si Dirain.
Tinangka pang agawin ng kasama ni Dirain na janitor ang baril ng suspek.
Pero nakawala ito at tumakbo.
Hindi pa nakuntento ang suspek, binalikan niya si Dirain sa opisina at pinagbabaril pa ulit.
Kinundena ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Regional Director Benjamin Tumaliuan ang nangyaring pamamaril kay Dirain.
“Yung killing sa kanya is condemned by the whole DENR family,” sabi ni Tumaliuan.
Isang buwan pa lang nakatalaga si Dirain sa bilang head ng CENRO ng Sanchez Mira.
Biyuda na siya at may dalawang anak.
Ayon sa DENR, istrikto si Dirain sa kampanya kontra illegal logging.
“During her stint as forestry specialist in CENRO Sanchez Mira, may mga 3 cases na talagang critical apprehension. I’m sure na iyon ang dahilan kung bakit siya pinatay. There’s no other angle. I just want to make it clear. There is no other angle except doon sa related sa trabaho niya,” sabi ni Tumaliuan.
Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng kalibre 45 baril at tatlong deformed slug.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Cagayan Police para mahuli ang lalaking nakunan ng CCTV na bumaril kay Dirain. Julius Camba, Patrol ng Pilipino sa Isabela
02/15/2012 10:14 PM








DUWAG BAT KA GUMAMIT NANG DAHAS SA BABAE ?
MAG SILBING ARAL SANA ITO SA MANUNUOD DAPAT KUNG ALAM NYU NA NASA TAMA KAYO AT NAKA UPO KAYU SA POLITIKA DAPAT MAY BODY GUARD KAYO , PINAKA DUWAG NA NILALANG ANG GUMAWA NITO YUNG JANITOR NAMAN MAY TSANSA SYA NA DAMBAHEN YUNG BUMAREL NATAKOT DEN EH MUKANG ANG MALAMYA NAMAN NUNG KILLER TAENA PATAY KUNG PATAY NA YUNG SITWASYUN SAYANG NAKATAKAS PA ANG HINDOT KUNG PUMATAY PARANG TANGGANG TAO LANG PUTA MAG KANU KAYA BINAYAD SA GAGONG YUN WALANG KALULUWA YANG MGA GAGONG YAN TANG INA NAKAKA SIRA NANG TAON TSK TSK
Gawa ng Buwaya!!
Malamang sa buwaya may gawa nyan!! Bigyan ng katarungan !!