7 patay, 32 sugatan sa field trip na nauwi sa salpukan sa Benguet


Isa namang field trip ang nauwi sa malagim na trahedya. Pito ang namatay at 32 ang sugatan sa pagsalpok ng bus sa trak at isa pang bus sa Marcos Highway sa Tuba, Benguet. Karamihan sa mga biktima ay mga estudyante at guro ng Marinduque State College na pauwi na sana mula sa kanilang field trip. Live mula sa Baguio City, nagpa-Patrol si Maira Wallis. TV Patrol, Pebrero 22, 2013, Biyernes

02/22/2013 8:49 PM Bookmark and Share