Magat Dam water supply dwindling


Paubos na ang tubig sa Magat Dam! Ayon sa National Irrigation Administration, tatlong linggo na lang ang itatagal ng tubig sa dam kapag hindi pa umulan ngayong buwan. Nag-abiso na din ang Magat Hydroelectric Power Plant na pansamantala nilang ititigil ang kanilang operasyon bago pa mag-March 21 dahil sa kawalan ng tubig sa dam. Mula sa Tuguegarao, Cagayan, exclusive, nagpa-Patrol, Ron Gagalac. TV Patrol World, Miyerkules, Marso 3, 2010

03/03/2010 11:33 PMBookmark and Share