Tourists witness Good Friday procession in Baliwag

Posted at 04/07/2012 1:33 PM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Muling dinagsa kagabi ng mga turista ang prusisyon ng mga karosa sa Baliwag, Bulacan. Ang naturang prusisyon ang tinuturing isa sa pinaka-mahaba sa buong bansa.

Tampok dito ang parada ng mahigit 90 karosa. Sakay ng mga karosa ang iba't-ibang imahe ni Hesukristo at mga santo. Kinukwento ng mga imahe ang sakripisyo at pagkamatay ni Hesukristo.

Ang ibang imahe doon, mahigit 100 taon na. Pero higit sa prusisyon, ito ayon sa mga taga-Baliwag ay sumasalamin sa malalim na pananampalataya ng mga Pilipino. News Patrol, Abril 7, 2012, Sabado