EXCL: High school student brutal na pinatay sa La Union

Watch more shows on iWantv or TFC.tv
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Abot-langit ang pagtangis ni Nanay Nenita dahil sa kalunus-lunos na sinapit ng kanyang 14 anyos na bunsong si Angel Joy.

Bandang alas-6:30 ng umaga kahapon natagpuan ang bangkay ni Angel Joy sa Barangay Dos, San Fernando City sa La Union ilang metro lang ang layo sa kapitolyo at himpilan ng pulis.

“Immediately upon (receipt) of the information, it was immediately reported to the city police station,” sabi ni SPO1 Joey Tesoro ng San Fernando City Police Station.

Sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives, lumalabas na basag ang bungo ni Angel Joy.

Tadtad din ang katawan nito ng mga pasa, paso ng sigarilyo at mga saksak.

“Masakit mawalan ng anak,” sabi ni Nanay Nenita.

Lunes ng hapon nagpaalam si Angel Joy sa kanyang nanay para makipagkita sa kaibigan pero hindi na ito nakauwi.

“Pumunta ako sa pulis station para magpa-blotter. Tapos sinabi na lang ng pulis na may nakita raw sila na bababe. Tama naman ang description naka-yellow at naka-three-fourth na panatalon pero patay na raw kaya hindi ko alam kung ano ng gagawin ko,” kuwento ni Nanay Nenita.

Ayon sa mga pulis, huling nakita si Angel Joy na kasama ang diumano'y kasintahan nito.

Narekober din nila ang ilang ebidensiya tulad ng mga duguang panyo, kutsilyo, bato at kahoy.

Pina-awtopsiya na rin ang mga labi ni Angel dahil hinala ng pulis, posibleng ginahasa ito bago pinatay. Jen Nievera, Patrol ng Pilipino sa La Union

04/11/2012 10:47 PM