2 sa 17 namatay sa sunog sa Butuan iniuwi na sa probinsya


Inihatid na sa Valencia, Bukidnon ang bangkay ng dalawa sa 17 namatay sa sunog sa Butuan City. Apat na araw na mula nang maganap ang trahedya sa Novo Department Store, ngayon pa lang naihatid ang mga bangkay nina Jonalie Lumingkit at Hazel Cabana. Wala namang plano ang kaanak ng isa sa mga namatay na magsampa ng reklamo sa pamunuan ng department store. Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon kung sino ang dapat managot sa trahedya. TV Patrol, Mayo 13, 2012, Linggo.

05/13/2012 8:35 PM