Water hyacinths sa Rio Grande, tinanggal na


Ito ang itsura ng Rio Grande de Mindanao noon. Ito na ang ilog ngayon: wala na ang ekta-ektaryang water hyacinth na bumabara sa ilog. Dahil ito sa walang tigil na operasyon ng mga sundalo, bumbero at DPWH.

“Kagabi lang natanggal, pasalamat tayo kay Pangulong Aquino dahil pinadala niya agad si Secretary Robredo, sumunod pinadala ang barge," ani Sultan Kudarat, Maguindanao Mayor Tucao Mastura.

Ang bayan ng Sultan Kudarat ang unang binabaha 'pag matindi ang ulan. Kaya hindi naiwasang sumama ang loob ng alkalde nito sa tila hindi pagpansin sa kanila.

“Bakit Cotabato City na lang palagi? Una namang binabaha for 5 years ang Sultan Kudarat, " ani Mayor Mastura.

Wala pa ring pasok sa 13 paaralan sa Cotabato City. Tuluy-tuloy naman ang pamamahagi ng tulong ng ABS-CBN Sagip Kapamilya at ng Army special forces. Tumulong din sa pamamahagi ng relief goods ng Sagip Kapamilya si Robin Padilla.

“Nais naman po nating makatulong. Kailangan 'yong tulong dumating talaga sa mga nangangailangan,” aniya.

Nanatili pa rin sa state of calamity ang lungsod ng Cotabato at lalawigan ng Maguindanao at North Cotabato.

Patuloy ring binabaha ang bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat. Marami na rin ang nagkakasakit sa mga evacuation centers. Lerio Bompat, patrol ng Pilipino sa Cotabato

06/27/2011 9:51 PMBookmark and Share