20 tao natabunan sa landslide sa Bukidnon


Tinatayang 20 tao ang natabunan ng gumuhong lupa kaninang alas-7 ng umaga sa Hangaron, Barangay Lumbayao, Valencia City, Bukidnon.

Ayon sa Valencia City Police, lumambot ang lupa dahil sa malakas na pag-ulan kagabi.

Dalawang bangkay na ang nahukay habang 3 naman ang isinugod sa ospital. Patuloy ang paghahanap sa iba pang biktima ng pagguho ng lupa.

07/04/2011 9:35 PMBookmark and Share