8 patay sa pananalasa ng bagyong 'Gener'


Umabot na sa 8 ang namatay at higit 44,000 pamilya ang naapektuhan ng bagyong “Gener,” ayon sa NDRRMC. Sa Bataan, bahagya nang humupa ang baha sa bayan ng Hermosa. Pero may ilang lugar doon na hanggang dibdib pa rin ang tubig. Live mula sa Bataan, nagpa-Patrol, Atom Araullo. TV Patrol, Hulyo 31, 2012, Martes

07/31/2012 10:52 PM