Pulis: ‘Human bomb’ ginamit sa pagsabog sa Zamboanga


Tinawag ng PNP na "human bomb" ang sumabog sa Zamboanga City International Airport kagabi, kung saan 2 ang patay at 24 ang sugatan. Pero nilinaw ng pulisya, hindi suicide bomber ang suspect. Sinadya raw itong taniman ng bomba at pinasabog ng isa pang lalaki na may hawak ng detonator.  Base sa mga nakalap na ebidensya, lumalabas na target ng pagsabog si Sulu Governor Abdusakur Tan.  Mula sa Zamboanga City, nagpapatrol, Ron Gagalac. TV Patrol, Biyernes, Agosto 6, 2010

08/06/2010 11:09 PMBookmark and Share