Isang bahagi ng Marcos Highway gumuho


Biglang gumuho ang isang bahagi ng Marcos Highway sa Antipolo City kaninang umaga. Kasamang lumubog sa nalikhang hukay ang isang dumaraang pampasaherong jeep. Mabuti na lamang at ligtas ang walong pasahero nito. Pero dahil sa mala-sinkhole na pangyayaring ito, hindi na madaanan ang highway papuntang lalawigan ng Rizal. Nagpa-Patrol, Gus Abelgas. TV Patrol, Agosto 8, 2012, Miyerkules

08/08/2012 9:55 PM