Low pressure area, inaasahang papasok sa bansa sa Lunes


May bago na namang low pressure area na binabantayan ang PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility sa silangan ng Visayas. Papasok ang low pressure area sa bansa sa Lunes ng hapon at dahil may buwelo, malaki ang posibilidad na lumakas at maging bagong bagyo. Kung mabubuo ang low pressure area, papangalanan itong tropical depression “Helen.” Silipin po natin ang satellite image natin mula sa ABS-CBN Weather Central. TV Patrol, August 10, 2012, Biyernes

08/10/2012 11:14 PM