Dalawa patay sa isang aksidente sa Cavite


Dalawa ang patay at isa ang sugatan matapos sumalpok ang isang owner-type jeep sa isang convenience store sa Bacoor, Cavite, Sabado ng madaling araw.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lulan ng jeep ang 3 lalaki nang bumangga ang sasakyan sa convenience store ng gasolinahan.

Dead on the spot sina Nelson Gutierrez at Gerardo Landicho. Nagtamo naman ng sugat sa katawan si Jun-Jun Cordial.

Nauna rito, sangkot sa hit-and-run ang 3 biktima.

Ayon kay Chief Inspector Jojie Tabios, malamang daw ay dala ng kalituhan sa pagtakas sa taong kanilang nabangga kaya't bumangga ang sasakyan nila sa convenience store.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang narekober na baril sa mga biktima. -- Alex Santos, Patrol ng Pilipino