2 piloto nawawala sa pagbagsak ng Navy chopper


Nawawala ang dalawang piloto ng helicopter ng Philippine Navy na bumagsak Martes ng umaga sa Zamboanga City.

Himala namang nakaligtas ang 3 pang sakay ng chopper na hindi man lamang nasugatan.

Nakilala ang mga nakaligtas na sina Police Officers 2 Noel Ridad, Rodolfo Rodel Pataweg at Aldon Martirez.

Base sa imbestigasyon, alas-10 ng umaga nang umalis sa Navy headquarters sa Zamboanga City ang chopper para sa routinary exercises at para kumuha ng aerial shot ng Zamboanga Peninsula.

Pero pagkatapos lamang ng isang oras, bigla na lamang tumagilid at bumagsak ang chopper sa dagat.

08/18/2010 12:40 AMBookmark and Share