CamSur nagbunyi sa tagumpay ni Venus Raj
Special non-working holiday sa Camarines Sur, kaya lahat tutok sa laban ng Bikolana beauty na si Venus Raj sa Miss Universe pageant.
Sa bahay ng mga Raj sa bayan ng Bato, hindi nagpahuli sa pag-cheer ang 93-anyos na lola ni Venus.
Dumagundong ang palakpakan nang tanghaling 4th runner-up si Venus.
Isang simpleng salu-salo ang inihanda ng nanay at mga kapatid ni Venus.
Maging ang nagluluksang pamilya ng nasawing kaibigan at beauty queen na si Melody Gersbach, nagbunyi sa panalo ni Venus!
Matatandaang inialay ni Venus ang laban niya kay Melody.
Taas-noo si Nanay Esther, maging sa sagot ng anak sa "Question and answer" portion kahit pinuna ito ng ilan.
Halos maluha naman ang nanay ni Venus sa tila panaginip na tagumpay ng anak na muntik pang mabawian ng titulo.
Nakatakdang umuwi sa bansa sa Huwebes si Venus mula Amerika. – Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino







