Bayan Patroller, isinumbong ang matagal na paghahakot ng basura
Inireklamo ng isang Bayan Patroller ang nagkalat na basura sa isang subdibisyon sa Mohon, Malolos, Bulacan.
Mistulang dumpsite na ang parte ng Menzi Land Subdivision dahil sa tambak ng basura.
Reklamo ng Bayan Patroller, matagal ang paghahakot ng basura sa kanilang subdibisyon kaya't naiipon sa bakanteng loteng ito.
Dahil dito, pinangangambahan ngayon ng mga residente na makaapekto ito sa kanilang kalusugan.
Nakausap ng BMPM ang kapitan ng Barangay Mohon.
Aniya, araw-araw naman daw ang paghahakot ng basura pero maraming taga-ibang barangay ang nagtatapon sa kanilang lugar.
Gayunman, pansamantala nang isinako ang mga basura.
Pininturahan na ang bakod ng bakanteng lote at pati ang damo ay tinabas na rin.
Ayon pa kay Kapitan, sisikapin nila ang pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang lugar pati na ang pagpapaalala ng tamang segregation ng basura sa mga residente.
08/25/2011 11:17 PM







