Trak nahulog sa bangin, 4 patay
Napaluha na lamang ang 17-anyos na si Sarlo Alcasin.
Siya lamang ang nakaligtas nang madisgrasya ang sinasakyang 10-wheeler na prime mover sa bayan ng Glan, Sarangani alas-10 ng umaga nitong Sabado.
Karga ng truck ang isang backhoe. Pagdating sa isang parte ng kalsada sa Glan, pinilit ng kanyang ama na nagmamaneho ng truck na magpalit ng kambyo, pero hindi mailipat.
Noon na nawalan nang kontrol ang drayber sa truck at pagdating sa kurbadang daan, sumalpok ang truck sa railing at nahulog sa bangin.
Patay ang kanyang amang si Silverio, assistant driver na si Panfilo Abasensya, ang operator ng backhoe na si Jay at ang nakisakay lamang sa kanilang magsasaka na si Alberto Intero.
Inabutan pa ng newsteam ang pagkuha sa bangkay ni Jay.
Kuwento ni Sarlo, tinangka pa ni Jay na tumalon mula sa truck pero hindi na rin nakaligtas.
Galing ang grupo sa Malita, Davao del Sur at ihahatid ang backhoe para sa road widening project ng gobyerno sa Barangay Margus sa bayan ng Glan. – Anne Santos, Patrol ng Pilipino, Sarangani
08/28/2010 10:07 PM




Safe ba????????
Kulang sa safety ang mga daan kaya nangyayari ang mga nahuhulog sa bangin, may mga harang nga eh mahina naman so they dont care di ba.....alam na bangin eh di pa tibayan ang pagkagawa...