Bagyong Henry lumayas na ng Pilipinas
Wala nang bagyo sa Pilipinas! Tuluyan nang lumabas ng Philippine area of responsibility ang tropical storm Henry!
Nasa 710 kilometers northeast ng Basco, Batanes o 100 kilometers southwest na ng Okinawa, Japan ang bagyo.
Sa kabila nito, magiging maulan pa rin dahil sa hanging habagat.
Makakaranas ng pag-ulan sa Northern at Central Luzon, na mas madalas sa hapon at gabi.
Makararanas din ng kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng Luzon.
09/04/2010 11:24 PM



