Isa patay, 4 sugatan sa aksidente sa construction
Isang trabahador ang namatay habang apat ang sugatan nang bumigay ang bahagi ng escalator ng itinatayong mall sa Davao City.
Nangyari ang insidente dakong 7 ng umaga habang nagbubuhos ang mga construction worker ng semento sa ikaapat na palapag.
Iniutos na ng lokal na pamahalaan sa contractor na ihinto muna ang trabaho habang may imbestigasyon.



