Lolo timbog sa panghahalay umano ng 2 batang babae
Noong isang taon pumanaw ang nanay ng 13-taong-gulang na si Niña at 5-taong-gulang na si Dona.
Nasa Taguig ang kanilang ama at walang kasama sa bahay sa Laguna ang magkapatid.
Hindi pa man nakakabangon sa trahedya, ginahasa naman ng 79-anyos na kapitbahay ang musmos na si Dona.
“Hindi ko naman po inisiip na siya eh may masamang gagawin sa aking dalawang apo,” anang lola ng mga bata.
Ang mas masakit nalaman din nilang paulit-ulit na hinalay ng lolo ang dalagitang si Niña.
“Hinalikan niya po ako. Tapos ang sabi po niya sa akin ay mahal daw po niya ako. Huwag ko raw po siyang ipagpapalit,” ani Niña.
Dagdag pasakit sa kanila ang posibleng pabubuntis ng dalagita dahil sa rapist umanong lolo dahil dalawang linggo na siyang hindi dinadatnan.
Sa follow up operation ng Magdalena, Laguna police nasakote ang papatakas nang suspek.
“Nakita na pasakay ng traysikel eh. Siguro’y nakatunog na nagreklamo dito,” ani Inspector Reynaldo Jamon, hepe ng Magdalena Police Station.
Nahuli man todo tanggi pa rin si Mendoza sa mga akusasyon.
Kakasuhan na siya ng limang kaso ng rape at grave threats ng pulisya. – Francis Faulve, Patrol ng Pilipino
09/05/2010 11:17 PM




Ibalik ann BITAY!!
Dapat na po talagang ibalik ang bitay, wala na pong kinatatakutan o sinasanto ang mga masasamang tao na yan. palamunin pa yan sa kulungan,kung ibitay yan tapos na atdi na pamamarisan yan ng iba. kahit sa farm tinatanggal ang masasamang damo para naman tumubo ng maayos ang mga pananim, ganyan din sa ating lipunan, dapat alisin at bawasan ang masasamang damo. Kriminal yang matandang yan.
worst than a pig
Keep him in jail for the rest of his life.
He will do it again if you set him free.
lolo timbog
kilangan pagbayaran ni lolo ang ginawa nyang kahayopan sa dalawang batang babae sinira nya ang puri nila pati na rin ang kinabukasan nila at lalo na si niña kung mabuntis paano nya bubuhayin ang bata sa sinapupunan nya kilangan parusahan ang matanda upang magsilbing aral sa mga taong katulad ng matandang ito