4 patay sa sunog sa Zamboanga City
Nabalot naman ng trahedya ang isang tahanan sa Zamboanga City.
Namatay ang apat na miyembro ng pamilya Vasquez matapos masunog ang kanilang tahanan.
Pasado 2 a.m. nang masunog ang bahay sa hindi pa matukoy na dahilan.
Agad namatay ang mga nasa loob ng bahay.
Natagpuan namang patay ang ama na si Nurwin Vasquez sa di-kalayuan sa nasunog na bahay.
May mga tama siya ng bala sa likod.
09/05/2010 11:10 PM



